Hindi pa huli ang lahat para tumigil sa paninigarilyo!

6:48:00 PM


Madalas na nababanggit na ang epekto ng paninigarilyo ay pagkakaron ng problema sa baga tulad ng COPD at lung cancer. Ngunit ang paninigarilyo din ay maaaring magdulot ng sakit sa puso at nakakapagpaikli ng iyong buhay. Ito ay nagdudulot ng atherosclerosis o ang pamumuo ng mga taba at inflammatory cells sa iyong ugat. Nakakapigil ito sa maayos na pagdaloy ng dugo papunta sa puso, utak at iba pang bahagi ng katawan na maaaring mauwi sa peripheral artery disease, coronary artery disease at stroke. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng 200% increase na risk na mamatay ang isang tao dahil sa lung cancer, heart attack at stroke.

Ang paninigarilyo ay nagbabawas ng halos 10 taon mula sa iyong buhay. Ang mga taong tumigil sa paninigarilyo ay nababawasan ng 90% risk sa pagkamatay mula sa paninigarilyo. Mahalaga na tumigil sa paninigarilyo bago ang edad na 40 taong gulang para mas malaking benepisyo ang iyong makuha. Tandaan din na sa paninigarilyo, hindi lang ikaw ang napapahamak. Pati ang mga tao sa paligid mo na nakakalanghap ng usok mula sa sigarilyo mo.

Kung mahal mo ang sarili mo at ang pamilya mo, itigil mo na ang paninigarilyo.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed