Dok, Talaga Bang Tumataba Kapag Mayroong PCOS?
8:23:00 PMAng polycycstic ovary syndrome o PCOS ay kaakibat ng pagkakaroon ng hormonal imbalance sa katawan ng babae. Mas mataas ang androgen (male hormone) sa mga babaeng may PCOS. Ito ay nagdudulot ng ireglar na regla, pagkakaroon tagyawat at mas maraming buhok sa katawan. Ilan sa mga sintomas ng PCOS ay ang hindi mabunti, mataas na cholesterol at depression.
Ang sintomas na maaaring konektado sa pagbigat ng timbang sa mga babaeng may PCOS ay ang mataas na insulin levels sa katawan. Ang insulin ay kailangan ng katawan upang gawing enerhiya ang glucose o asukal mula sa ating kinakain. Ang mga babaeg may PCOS ay mayroong sobrang daming insulin sa katawan na kadalasan ay nagdudulo ng acne at weight gain o pagbigat.
Bagamat hindi pa man tiyak kung ang PCOS ay direktang nagdudulot ng pagbigat ng timbang, mahalaga pa rin na panatilihin na normal ang iyong tumbang upang maiwasan ang sakit sa puso, diabetes at stroke.
0 comments