Ano ang Cluster Headache?

7:12:00 PM


Ang cluster headache ay isa sa mga pinakamasakit na klase ng sakit ng ulo. Madalas ay magigising ka sa gitna ng gabi dahil sa sobrang sakit lalo na sa palibot ng iyong mata o isang bahagi ng iyong ulo. Maaaring maranasan ito ng ilang minuto hanggang ilang linggo at buwan. Hindi naman ito life threatening condition ngunit may mga maaaring gawin upang maiwasan ito at mabawasan ang sakit na naidudulot nito.

Ang gma sintomas ng cluster headache ay sobrang sakit ng ulo na madalas sa paligid ng iyong mata at maaaring kumalat ang sakit sa mukha, leeg at balikad. Kadalasan isang side lang ng ulo ang masakit. Pakiramdam mo ay hindi ka mapahinga. Naluluha. Namumula ang mata. Ma sipon. Nagpapawis.

Kumonsulta sa inyong doktor kung unang beses makaranas ng cluster headaches upang makasiguro na hindi ito dahil sa ibang sakit tulad ng brain tumor o aneurysm. Kailangan ng emergency care kung sakaling makaramdam ng biglaang sobrang sakit ng ulo, sakit ng ulo na may kasamang lganat, pagsusuka, pananakit ng leeg, serizure, pamamanhid, hindi makapagsalita dahil maaaring hindi na ito cluster headache at sintomas na ng stroke, meningitis, encephalitis at tumor. Sakit ng ulo matapos magkaroon ng head injury.

Hindi pa rin alam ang dahilan ng cluster headache. Ngunit mas madalas magkaroon nito ang mga lalake lalo na ang edad 20 hanggang 50. Mga naninigarilyo, umiinom ng alak at may family history ng cluster headache.

Para makaiwas sa cluster headache, dapat ay magkaroon ng regular na tulog at iwasan ang pag-inom ng alak dahil mapapalala nito ang sakit.

You Might Also Like

2 comments

  1. Hello,

    Blogwalking here! Just making a short post on your cool and awesome blog. :)

    Keep it up! Keep us posted!

    Regards,
    Digital Movers International.

    ReplyDelete
  2. Ano po Ang pwede remedy or alternating gamot para sa migraine?

    ReplyDelete

Twitter Feed