May Papel ang Iyong DNA sa Pagkahilig Mo sa Kape

7:13:00 AM


May Papel ang Iyong DNA sa Pagkahilig Mo sa Kape

Iba-iba ang habit at pagkahilig ng mga tao sa kape. May mga taong halos araw-araw na umiinom ng kape at meron naman ayaw uminom nito. Ayon sa bagong pag-aaral, may kinalaman ang iyong genes sa kagustuhan mong uminom ng kape. Nakita na ang genetic variations sa tao ay nakakaapekto sa pagbreak down o pagtunaw ng cafeine sa katawan ng tao. Ito ang nakakaapekto kung mahihilig ba o hindi ang isang tao sa kape.

Ayos sa mga researchers sa Unversity of Edinburgh, ang mga taong may DNA variation na PDSS2 ay mas kaunti ang iniinom ng kape kumpara sa mga taong wala ng DNA variation na ito. Ang genes na ito ay nakakapagpabagal sa pagtunaw ng katawan ng kape.

Ang mga taong mayroon nitong genes na ito ay may mabagal na pagmetabolize ng caffeine kaya mas kaunting kape ang kanilang iniinom. Inaral nila ang 370 na tao na nakatira sa south Italy at nakita nila na ang mga taong may PDSS2 variation ay umiinom ng mas kaunting baso ng kape kada araw. Nagsagawa pa ng isang pag-aaral sa Netherlands kasama ang 1731 na tao at nakita din nila ang parehong trend. Ang mayroong DNA variation ay umiinom ng mas kaunting baso ng kape.

Sinusuportahan nitong pag-aaral na ito ang papel ng genetics sa ating pang-araw araw na gawain. Makakatulong ito upang mas matintindihan ang dahilan ng behavior ng isang tao at kung paano magreact dito. Sa pag-aaral na ito, ipinakita na maaaring ang metabolism ng caffeine ang dahilan kung bakit may mga taong mas malakas uminom ng kape.

Mas malaking pag-aaral ang ginawa noong 2014 kalahok ang 120,000 na tao. Nakita na ang gene variants na nakakatulong sa metabolism ng caffeine at nakakaapekto sa dami ng kape ng iniinom ng isang tao. Kailangan pang magsagawa ng maraming pag-aaral upang makita ang biological link ng pagkakaiba ng genes, metabolism ng caffeine at ang coffee consumption ng isang tao. Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang link na ito.

Source: http://www.sciencealert.com/your-coffee-habit-could-be-encoded-in-your-dna

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed