Ano ang Carpal Tunnel Syndrome?

3:14:00 PM


Lagi bang namamanhid ang kamay? Parang kinukuryente lagi? Laging nanghihina at nabibitawan ang mga hawak mo? Baka carpal tunnel syndrome na yan!

Ang carpal tunnel sydrome ay kondisyon kung saan ang kamay at mga daliri ay nakakaramdam ng pamamanhid. Ito ay dahil sa problema sa nerve sa iyong wrist. Ang carpal tunnel ay daanan sa iyong kamay na pumuprotekta sa mga nerves para sa iyong mga kamay at daliri. Kapag naipit ang mga nerves sa carpal tunnel maaaring makaranas ng pamamanhid at panghihinga ng kamay. Ang tamang gamutan ay kailangan upang maalis ang pamamanhid at panghihina ng kamay.

Nagsisimula ang carpal tunnel syndrome sa pagkakaroon ng pamamanhid o parang kinukuryente ang mga daliri sa kamay. Maaari ring makaranas ng pananakit ng kamay. Sa umpisa ay pawala-wala ang pamamanhid ng kamay pero kapag lumala ang carpal tunnel syndrome, palagi nang mararamdaman ang pamamanhid at sakit. Makakaramdam din ng panghihina ng kamay at madalas ay nababagsak o nabibitawan ang mga bagay na hawak.

May iba't ibang mga risk factors na nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng carpal tunnel syndrome ang isang tao. Ang pagkakaroon ng wrist fracture o balit sa buto sa kamay ay maaaring magdulot ng pressure sa median nerve. Ang mga babae ay mas madalas nagkakaroon ng carpal tunnel syndrome dahil mas maliit ang carpal tunnel nila. Ang mga taong may diabetes dahil nasisira ang kanilang mga nerves. Ang mga taong may rheumatoid arthritis dahil sa pamamaga. Posible din na ang mga constructions workers o trabahador na gumagamit ng mga vibrating tools tulad ng barena ay maaaring makaranas ng carpla tunnel syndrome. Ang mga sakit tulad ng obesity, thyroid disorder at kidney failure ay may mataas din na posibilidad na magkaroon ng carpal tunnel syndrome.

Kapag nakakaranas na ng mga sintomas na nabanggit, maaring kumonsulta sa inyong doktor upang malaman kung mayroon kang carpal tunnel syndrome.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed