Schrodinger's Cat

9:51:00 AM


Ilang ulit kong tinatanong ang aking sarili
Bakit kailangan mo pang dumating
Sa buhay kong tahimik at payapa?
Ayos naman ako noong wala ka pa

Nagsimula tayo sa pagkakaibigan
Madalas magkausap at magkatawagan
Kahit ano nalang basta may mapagkwentuhan
Kalimitan ay wala na ngang tulugan

Hanggang sa lumalabas na tayong dalawa
Nagiging madalas na tayo lang ang magkasama
Pareho kasi tayo ng mga gustong gawin
Kaya naman ang puso ko gusto ka nang mahalin

Naging masaya ako sa mga sandali
Na tayo ay nagkasama, puno ng ngiti
Dama ko ang iyong pag-ibig na wagas
Ninais kong sana ay wala na iyong wakas

Ngunit alam ko na mali ang ating pag-iibigan
Dapat ay hindi na natin pa sinimulan
Ang anumang sa atin ay namamagitan
Wala din naman kasing patutunguhan

Masasaktan lang natin ang isa't isa
Kapag ipinilit pa natin na magkita
Kaya hiniling ko na kalimutan mo ako
Masakit! Pero para sa "kanya" kakayanin ko

Lumipas ang mga araw, 'di ka na nagparamdam
Tuluyan ka na ngang namaalam
Nanatili ako sa aking kasintahan
Ako na ang magpaparaya 'wag lang siyang masaktan

Ngunit araw-araw, naroon ang tanong sa aking isipan
Paano kaya kung hindi kita iniwan?
Paano kung sinunod ko ang puso ko at ika'y ipinaglaban?
Paano kung nakinig ako sa puso kong pangalan mo ang ipinagsisigawan?

Paano?
Hindi ko alam kasi hindi ko sinubukan
Hinding-hindi ko malalaman kasi di ako nanindigan
Hinding-hindi ko malalaman kasi hinayaan kitang lumisan

Hindi patas! Hindi patas para sa kanya
Dahil hindi siya nagkulang sa pagmamahal
Ako lang talaga ang nagkagusto sa iba
Kasalanan ko dahil ang puso ko nakahanap ng iba

Hindi patas! Hindi patas para sa iyo
Dahil alam kong mahal mo ako
At mahal din kita
Pero hindi kita ipinaglaban

Gulung-gulo ang aking puso't isipan
Hindi ko alam kung sino ang iiwan
Kahit anong desisyon, siguradong may masasaktan
Mahirap dahil ayoko siyang masaktan

Hindi ko alam kung nasaan ka na ngayon
Wala na tayong komunikasyon
Ngunit naroon pa rin ang mga tanong sa aking puso
Paano kaya kung naging tayo?

Para lang itong eksperimento ng Schrodinger's cat
hindi mo malalaman kung buhay o patay
Ang pusa na nasa loob ng kahon
Hangga't hindi mo ito buksan at tingnan

Mananatiling nandoon ang posibilidad
Na maaaring buhay o patay ang pusa
Parang ang ating pag-iibigan
Maaaring ikaw na nga, maaaring hindi

Hinding-hindi ko malalaman
Kung tayo nga talaga ang para sa isa't isa
Kasi hindi kita ipinaglaban
Bakit ba kita pinakawalan?

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed