Paraan ng Pagkuha at Benepisyo ng Solo Parent ID

5:55:00 AM


Paraan ng Pagkuha at Benepisyo ng Solo Parent ID

Maraming pagsubok ang kinakaharap ng mga solo parent mula sa pagpapalaki ng anak, pagdidisiplina at paghahanapbuhay upang mapalaki ng maayos ang mga anak. Kaya naman malaking tulong ang pagkakaroon ng RA 8972 o ang Solo Parents' Welfare Act of 2000.

Ang Solo Parent's Welfare Act ay nagbibigay ng mga programa at serbusyo para sa mga solo parents at kanilang mga anak. Saklaw ng batas na ito ang ina o ama na mag-isang pinapalaki ang kanilang anak dahil sa namatayan ito ng asawa, may physical o mental incapacity ang asawa, iniwan ng asawa, hiwalay sa asawa o yung mga magulang na nagkaanak dahil nagahasa. Saklaw din ng batas na ito ang mga mag-isang nag-aalaga ng pamangkin o inaanak. Pwede sa batas na ito ang sinuman namag-isang nag-aalaga sa isang bata. Maaaring mawala ang mga privileges ng pagiging solo parent kapag nag-asawa muli ang magulang o hindi na siya mag-isang nagpapalaki ng kanyang anak.

Ang solo parent na kabilang sa mga nasa below poverty threshold ayon sa pamantayan ng National Economic and Development Authority at assessment ng Department of Social Welfare and Development Social worker ay maaaring humingi ng assistance mula sa Department of Health para sa mga pangangailangang medikal, CHED o TESDA para sa pag-aaral, National Housing Authority para sa pabahay at sa employer o DOLE kung kailangang kumuha ng parental leave. Mayroong karapatan na magkaroon ng flexible work schedule ang mga solo parent. Maaaring mabago ang oras ng pagdating o pag-alis mula sa trabaho basta hindi naaapektuhan ang mga gawain na ipinagagawa ng employer. Hindi rin dapat magkaroon ng discrimination laban sa mga solo parent na employee. Maaari ding mabigyan ng parental leave of seven days ang mga solo parent employee.

Dalhin lamang ang mga requirements sa City/Municipal Social Welfare and Development Office. Pagkatapos maipasa ang lahat ng mga requirements makukuha ang solo parent ID sa loob ng 30 araw. Maaari itong gamitin sa loob ng isang taon at maaaring irenew pagkatapos ng isang taon.

Ang mga kailangang ipasa para makakuha ng solo parent ID ay ang mga sumusunod: 
  1. Barangay certificate residency in the area 
  2. Dokumento o ebidensya na ang aplikante ay solo parent (death certificate ng asawa, declaration of nullity of marriage, medical certificate - if incapacitated)
  3. Income Tax Return o certification from the barangay/municipal treasurer.

Para sa mga karagdagan pang impormasyon, bisitahin ang link na ito.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed