Madalas na may Mood Swings? Baka Bipolar Disorder na Yan! Alamin!

6:24:00 PM


Madalas na may Mood Swings? Baka Bipolar Disorder na Yan! Alamin!

Ang bipolar disorder ay ang matinding mood swings na may emotional high and lows. May mga pagkakataon na ikaw ay depressed at pakiramdam mo ay napakalungkot mo at wala ka ng pag-asa at nawawalan ka ng interes at pleasure sa mga bagay-bagay. Kapag naman nagshift ang mood mo, pakiramdam mo ay punung-puno ka ng saya t enerhiya. Maaaring mangyari ang mood shifts ng ilang beses sa isang taon o ilang beses sa isang linggo. Bagamat, nakakaapekto ito sa iyong buhay at ito ay isang long-term condition, may mga gamutan na makatulong upang makontrol ang iyong mood. Makakatulong ang medications at psychological therapy upang makontrol ang bipolar disorder.

Ayon Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-5),mula sa American Psychiatric Association, may iba't ibang klase ng bipolar disorder. 

  1. Ang bipolar 1 ay nakakaranas ng manic phase ng sakit. Ang taong ito ay nakakaranas ng extreme elation at mabilis tumaas ang kanilang behavior hanggang sa hindi na sila makontrol. Kapag hindi nagamot ay maaaring mauwi sa emergency room ang tao. Ang mga may bipolar 1 ay nagkakaroon ng elevated, expansive or irritable na mood na maaaring tumagal ng pitong araw o higit pa.
  2. Ang bipolar 2 ay apat na beses na mas common kumpara sa bipolar 1. Less severe ang manic symptoms ng mga may bipolar 2 at tinatawag itong hypomanic symptoms. Madalas na hindi napapansin ng mga may bipolar 2 ang kanilang mga sintomas at kadalasang ang mga pamilya o kaibigan nito ang nakakapansin. Kapag

Ang mga sintomas na nararanasan ng mga may bipolar disorder ay:
Mania
  1. Matas na self-esteem 
  2. Hindi kailangang matulog ng matagal. Kahit tatlong oras lang na tulog ay pakiramdam nila ay nakapagpahinga na sila. 
  3. Masyadong madaldal at mabilis magsalita
  4. Napakaraming iniisip 
  5. Mabilis silang madistract sa ginagawa 
  6. Mabilis ma-agitate. Maraming goal-directed na gawain 7
  7. Gumagawa ng mga bagay na maaaring magkaroon ng painful consequences tulad ng pagbili ng kung anu-anong bagay kahit di naman kailangan o pakikipagtalik kahit kanino.

Depression
  1. Malungkot at walang pag-asa 
  2. Hindi na nakikisalamuha sa mga kaibigan at pamilya. Walang gana sa mga gawain na dati niyang ginagawa 
  3. Walang gana kumain 
  4. Laging pagod at walang lakas. 
  5. Mabagal magsalita 
  6. Nahihirapang umalala, magconcentrate at gumawa ng desisyon 
  7. Nagtatangkang pataying ang sarili


Kung ikaw ay nakakaranas ng mood shifts at sintomas ng mania at depression at palagay mo ay mayroon kang bipolar disorder, humingi agad ng tulongs sa doktor upang maagapan ang iyong kalagayan. Maraming taong maaaring tumulong sa iyo. Hindi ka nag-iisa.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed