Dark Side ng mga Instant Noodles and Pancit Canton: Kalaban Ito ng Ating Kalusugan

2:55:00 AM


Dark Side ng mga Instant Noodles and Pancit Canton: Kalaban Ito ng Ating Kalusugan

Paborito ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang instant noodles at mga pancit canton dahil mura, madaling lutuin at masarap. Noong nag-aaral pa si Doktor Doktor Lads sa UP Diliman, paborito ng mga UP students ang mga pancit canton combo meals sa mga "Aristocart" ng UP Diliman. Pero may mabuting naidudulot nga ba ito sa ating kalusugan? Hindi madalas alam ng kumakain ng instant noodles na mataas ang fat, sodium at minsan sugar content ng mga instant noodles at pancit canton. Ang isang pakete ng pancit canton ay nagtataglay ng 600-900mg ng sodium. Mataas ito dahil ang recommended na sodium na dapat makain sa isang araw ay 1500mg sodium. Maraming saturated at trans fats ang mga instant noodles. Nakakapagpataas ito ng cholesterol na maaaring magdulot ng sakit sa puso at type 2 diabetes.

Ayon sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke. May isang pag-aaral sa South Korea na nakitang ang mga babaeng kumakain ng instant noodles ay mas mataas ang risk na magkaroon ng metabolic sydrome. Ito ay maaaring magdulot ng high blood pressure at high blood sugar levels na maaaring mauwi sa diabetes, stroke at heart disease.

Ayon din sa pag-aaral ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General Hospital, nahihirapan ang katawan natin na idigest o gilingin ang mga instant noodles. Maraming mga instant noodles ang nagtataglay ng kemikal na tertiary-butyl hydroquinone, isang food additive na ginagamit sa petroleum industry. Matagal bago madigest ng ating bituka nag mga instant noodles.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed