Apat na Paraan Para Makaiwas sa Colon Cancer

2:30:00 AM


Apat na Paraan Para Makaiwas sa Colon Cancer
  1. Get screened. Sa pamamagitan ng colon cancer screening, malalaman kung mayroong colon cancer ang isang tao kahit nasa early stage pa ang cancer. Mahalaga ito dahil mas magiging matagumpay ang gamutan kung magagamot ang cancer sa early stage nito. Base sa pag-aaral noong 2015, kung magkakaroon ng 80% screening rate sa taong 2018, 203,000 cancer deaths ang mapipigilan sa taong 2030.
  2. Maging aktibo at magkaroon ng regular na ehersisyo. Kailangan din na mayroong tamang timbang. Iwasan ang pagkakaroon ng sobrang bigat na timbang. Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-eehersisyo ng regular ay nakakatulong upang maiwasan ang 13 klase ng cancer. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakakatulong labanan ang inflammation.
  3. Huwag manigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi ng maraming klase ng cancer at iba pang mga sakit. Ayon sa American Cancer Society sa United States, ang paggamit ng tobacco ay dahilan ng 1 out of 5 deaths dahil sa cancer. Sa isang taon, 480,000 cancer deaths ang mula sa paninigarilyo.
  4. Bawasan ang pagkain ng mga red meat. Kapag ikaw ay kumakain ng 50g ng red meat kada araw, tumataas ang risk na magkaroon ka ng colon cancer ng 21%. At kapag naman 100g kada araw ang iyong kinakain na red meat, tumataas ang risk na magkaroon ka ng cancer ng 29%.

Source: University of Colorado Cancer Center

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed