Ano Talaga ang Sanhi ng Kuliti at Paano ito Maiiwasan?

8:19:00 AM


Ano Talaga ang Sanhi ng Kuliti at Paano ito Maiiwasan?

Madalas ka bang inaasar na namboso ka kaya ka nagkaroon ng kuliti o styes? Ito ay maliit na namumulang umbok sa talukap ng iyong mata. Ang kuliti ay isang infection sa eyelash follicle (kung saan tumutubo ang pilikmata) o tear gland (kung saan naglalabas ng luha). Kadalasang nakukuha ito sa pagkuskos ng mata o pag napasukan ito ng bacteria. Magududulot ito ng pagbabara sa follicle o glands at magdudulot ito ng impeksyon. Kadalasang tumatagal ito ng tatlong araw bago pumutok at tuluyang gagaling sa loob ng isang linggo.

Narito ang mga simpleng paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng kuliti. 

  1. Kung gumagamit ng make-up, hugasang mabuti ang mukha para maalis ang make up sa mukha at hindi magbara sa eye follicles. 
  2. Palitan ang make up na ginagamit pagkatapos ng anim na buwan upang maiwasan ang pagdami ng bacteria dito. 
  3. Hugasang mabuti ang kamay bago hawakan ang mata.


Kung mayroon kang kuliti, huwag mo itong putukin o galawin. Puputok at gagaling din ito sa tamang panahon. Makakatulong ang paglalagay ng mainit, malinis at basang tela sa matang may kuliti sa loob ng lima hanggang 15 minuto. May mga over-the-counter ointments at solutions din para sa kuliti ngunit mas mainam na panggamot ang paghuhugas ng mata gamit ang malinis na tubig. Huwag munang maglagay ng make up o magsuot ng contact lens kung ikaw ay may kuliti.

Maaaring kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng ibayong gamutan kapag nakaranas ng mga sumusunod: 

  1. Kapag hindi bumuti ang iyong kuliti sa loob ng ilang araw at hindi ito nawala sa loob ng isang linggo. 
  2. Mas lumalala ang sakit at pamamaga
  3. Mas lumaki 
  4. Dumudugo 
  5. Nakakalabo ng iyong paningin 
  6. Kumalat na ito sa puti ng iyong mata 
  7. Namumula na rin ang iyong pisngi at ibang bahagi ng mukha.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed