Paano Nakukuha ang Sakit na Chikungunya?

3:12:00 PM


Paano Nakukuha ang Sakit na Chikungunya?

Ang Chikungunya fever ay isang sakit na katulad ng dengue ay nakukuha mula sa kagat ng lamok. Ito ay idinudulot ng Chikungunya alphavirus. Kapag nakagat ka ng lamok na apektado ng Chikungunya, kadalasang lumalabas ang mga sintomas pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong araw. Makikita ang sakit na Chikungunya sa mga bansa sa Timog Silangang Asya kabilang ang Pilipinas, India, Middle East at Africa.

Sintomas ng Chikungunya Fever
Ang mga sintomas ng Chikungunya fever ay lagnat, pananakit ng mga muscles o kasukasuan, pananakit ng mga joints, conjunctivitis o impeksyon sa mata, pagkakaroon ng kulani at pharyngitis. Madalas ding nakakaranas ng pananakit ng likod at mapupulang rashes sa buong katawan. Nagdudugo din ang mga mucous membranes, nakakaranas ng pagkahilo at pagusuka. Hindi naman madalas ang pagkamatay mula sa sakit na Chikungunya. Ang pananakit ng mga joints ay maaaring tumagal ng hanggang isang taon sa 33% ng mga pasyente. Ang gamutan sa sakit na Chikungunya fever ay paggamit ng mga nonsteroidal antiinflammatory drugs para maibsan ang sakit at maraming pahinga.

Para maiwasan ang sakit na Chikungunya, kailangan ay makontrol ang mga lamok sa pamayanan. Narito ang ilang mga paraan para makaiwas sa Chikungunya:
  1. Patayin ang mga lamok sa loob ng bahay o sa mga pugad nito sa pamamagitan ng insect spray. Kailangang mapatay ang mga babaeng lamok upang maiwasan na makakagat ito ng isang tao
  2. Pataying ang mga larvae ng lamok sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga stagnant water na maaaring pangitlugan ng mga lamok.
  3. Magandang gumamit ng kulambo o lagyan ng screen ang bintana ng bahay upang di makapasok ang mga lamok
  4. Gumamit ng insect repellant sa balat upang maiwasan ang pagkagat ng lamok.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed