High Blood Pressure, Nagdudulot ng Problema sa Pakikipagtalik

7:30:00 PM


High Blood Pressure, Nagdudulot ng Problema sa Pakikipagtalik

Kadalasan na walang senyales o sintomas nag pagkakaroon ng high blood pressure ngunit maaaring itong magkaroon ng epekto sa sex life ng isang tao. Ang pagkakaroon ng mataas na blood pressure ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang sexual satisfaction ng isang tao. Nakita na mula sa pag-aaral sa mga lalaki na may koneksyon ang high blood pressure at problema sa pakikipagtalik.

Kapag matagal nang may high blood pressure ang isang lalake, nasisira ang lining ng mga ugat nito at nagdudulot ng pagtigas at pagnipis ng daanan ng dugo. Kumokonti ang dugong dumadaloy papunta sa ari ng isang lalake. Ito ay maaaring magdulot ng kahirapan sa erection at maaaring magdulot ng erectile dysfunction. Maaari ring makaapekto ang high blood pressure sa ejaculation o paglalabas ng semilya at nakakabawas ng sexual desire. May ilang mga gamot din sa high blood pressure nagdudulot ng ganitong epekyo sa pakikipagtalik.

Ang pagkakaroon ng erectile dysfunction ay nagdudulot ng anxiety sa mga lalake. Karamihan ay natatakot o napipigilan na makipagtalik dahil baka makaranas uli ng erectile dysfunction at magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang sexual partner. Ang mga nakakaranas ng ganitong problema at mayroong high blood pressure ay kailangang kumonsulta sa doktor.

Hindi pa tiyak ang eksaktong epekto ng high blood pressure sa sexual health ng isang babae. Ngunit posible na nakakapekto pa rin ito. Ang high blood pressure ay nagdudulot ng pagbaba ng dumadaloy na dugo sa ari ng babae. Ito ay maaaring magdulot ng decrease sexual desire, arousal, panunuyo ng ari at hirap na magkaroon ng orgasm. Maaari ring makaranas ng anxiety ang isang babae dahil sa sexual dysfunction.

Kung mayroon kang high blood pressure, hindi mo kailangang mabuhay na may loss o pagkawala ng sexual satisfaction. Kumonsulta agad sa iyong doktor upang magamot ang iyong high blood pressure at maging maayos ang iyong sexual life. Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay makakatulong na mapababa ang blood pressure at mapabuti at mapaganda ang iyong sex life. Iwasan ang paninigarilyo, kumain ng masusustansyang pagkain, limitahan ang pag-inom ng alal, iwasan ang maaalat at matatabang pagkain, magbawas ng timbang at mag-ehersisyo madalas.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed