Blood Pressure Tip: Kumain ng mga Pagkaing Mayaman sa Potassium

7:59:00 PM


Blood Pressure Tip: Kumain ng mga Pagkaing Mayaman sa Potassium

Para makatulong na bumaba ang iyong blood pressure, bawasan ang pagkain ng sodium. Ang mga pagkaing maaalat ay mayaman sa sodium at kakampi ito ng hypertension. Ang sodium ang isa sa mga dahilan ng biglaang pagtaas ng blood pressure.

Ang potassium naman ay tumutulong na bawasan o paliitin ang epekto ng sodium sa ating blood pressure. Pinapababa nito ang blood pressure upang ito ay maging nasa normal na lebel. Maraming prutas at gulay ang mayaman sa potassium tulad ng saging, strawberries, spinach, peas, kamatis, patatas, kamote, yogurt, brocolli, pasas, chicken breast at tuna.

Kung mayroong problema sa kidneys, kausapin muna ang inyong doktor bago kumain ng mga pagkaing mayaman sa potassium dahil kailangan ay limitado ang potassium sa diet kapag may sira ang kidneys.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed