Amputation at Diabetes: Paano Protektahan ang Iyong mga Paa?

6:36:00 PM


Amputation at Diabetes: Paano Protektahan ang Iyong mga Paa?

Ang maayos na pagkontrol ng diabetes at regular na pag-aalaga sa iyong mga paa ay makakatulong maiwasan ang mga sugat sa paa na maaaring maging mahirap gamutin at mauwi sa pagkaputol o amputation.

Ang mga komplikasyon ng diabetes at ang pagkasira ng mga nerves at hindi magandang pagdaloy ng dugo sa iba't ibang aprte ng katawan. Dahil dito, delikado ang mga sugat sa paa ng mga diabetics dahil matagal itong gumaling dahil sa hindi magandang daloy ng dugo at hindi agad napapansin ang sugat dahil nawawalan ng pakiramdam ang paa kapag nasira ang mga nerves nito.

Kapag nagkaroon ka ng sugat sa paa, kailangan agad itong gamutin upang hindi lumala. Ang mga sugat na hindi agad gumagaling ay nagdudulot ng pagkasira sa tissues at buto na nauuwi sa pagputol ng daliri sa paa, paa o buong binti. Narito ang mga simpleng paraan upang mapangalagaan ang iyong paa at maiwasan ang sugat at paglala nito

Mahalaga na kontrolin ang iyong diabetes sa pamamagitan ng tamang pagkain, ehersisyo, monitoring ng iyong blood sugar at pag-inom ng mga gamot para sa diabetes. Ang tamang pangangalaga din sa paa ay makakatulong upang maiwasan ang pagkasugat nito. 
  1. Tingnan araw-araw ang iyong paa kung may sugat, pamumula, pamagmaga o kung may sumasakit dito. 
  2. Hugasan ang iyong paa araw-araw. Maaring gumamit ng maligamgam na tubig upang hugasan ang iyong paa at patuyuin ito. 
  3. Huwag tanggalin ang mga kalyo o mga lesions sa iyong paa. Huwag gumamit ng nail file, nail cutter o gunting sa pagtanggal ng kalyo o kulugo. Huwag gumamit ng mga kemikal na pang-alis ng kulugo. Kumonsulta sa doktor o podiatrist para magpatanggal ng lesion sa paa. 
  4. Mag-ingat sa paggupit ng iyong kuko. Maaaring humingi ng tulong kung nahihirapang gupitin ang kuko. Mas mabuti kung tuwid lamang ang paggupit ng kuko. 
  5. Para maiwasan ang pagkasugat, huwag maglakad ng nakapaa lamang sa bahay at sa labas. 
  6. Gumamit ng malinis at tuyong medyas. Huwag gumamit ng mga medyas na masikip at makapal dahil maaaring mapigilan ang pagdaloy ng dugo sa paa ay makairita sa balat. 
  7. Bumili ng sapatos na kasya sa iyong paa. Iwasan ang paggamit ng mga masisikip na sapatos, high heels o mga sapatos na may makitid na dulo. Maganda rin na may cushion ang mga sapatos upang maiwasan na masugat sa pagsusuot nito. 
  8. Huwag manigarilyo dahil lalo nitong pinapabagal ang pagdaloy ng dugo at binabawasan ang dami ng oxygen sa dugo ng isang tao. 
  9. Magkaroon ng regular ng check-up paasa iyong paa upang makita kung may nerve damage, poor blood circulation o iba pang problema. 
  10. Pumunta agad sa iyong doktor kapag mayroong sugat na hindi agad gumaling upang mabigyan ito agad ng lunas. Huwag na itong patagalin pa upang maiwasan ang amputation.

You Might Also Like

1 comments

  1. Each year, 11,000 People Saw Their Diabetes Mysteriously REVERSED, But Even Their Doctors Couldn’t Say Why

    Until a rogue diabetes researcher solved this decades-old medical mystery…

    Start using his natural, at-home treatment to reverse your Diabetes without medication.

    For more info please click on the following link: How To Heal Diabetes.

    Talk soon.

    ReplyDelete

Twitter Feed