Protektahan ang Iyong Anak Mula sa Sakit na Tigdas

6:07:00 AM


Protektahan ang Iyong Anak Mula sa Sakit na Tigdas

Hindi lang ito basta simpleng skin rashes. Maaari itong lumala at maging nakamamatay para sa mga sanggol at mga bata. Protektahan ang inyong mga anak.

Ang measles o tigdas sa tagalog ay dulot ng isang virus. Maaari mapigilan ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng bakuna. Ang tigdas ay maaaring maging malala at nakakamatay para sa mga maliliit na bata. Bagamat bumababa na ang mga namamatay mula sa tigdas dahil nababakunahan na ang mga bata, 100,000 pa rin na bata na 5 taon pababa ang namamatay mula sa tigdas kada taon.

Kadalasang lumalabas ang mga senyales at sintomas 10 hanggang 14 na araw matapos mainfect ng measles virus. Ang mga sintomas ay ubo, sipon, namamagang mata, sore throat, lagnat at mapupulang mga skin rashes. Maaaring makahawa ang isang tao na may tigdas sa loob ng walong araw. Nagsisimula ito apat na araw bago lumabas ang skin rashes at natatapos apat na araw pagkalabas ng skin rashes.

Nakukuha ang tigdas mula sa virus na nabubuhay sa ilong at lalamunan ng isang batang may tigdas. Kapag ang isang taong may tigdas ay umubo, humatsing o nagsalita, ang mga air droplets mula sa kanyang bibig ay maaaring malanghap ng mga taon sa paligid niya. Maaari ring kumapit ang air droplet sa mga bagay sa paligid (surfaces) at kapag nahawakan ito ng kamay ng isang tao at inilagay ang kamay na ito sa bibig o ilong, maaari ring mainfect ang taong ito ng tigdas.

Madalas na nagkakaroon ng tigdas ang mga taong walang bakuna laban sa tigdas, kapag nagpunta sa mga bansang maraming kaso ng tigdas at kung ikaw ay mayroong vitamin A deficiency. Madalas na nagkakaroon malalang sintomas ang mga taong may vitamin A deficiency.

Kung ikaw ay mayroong tigdas, huwag munang makihalubilo sa mga tao. Magpahinga muna at magpagaling sa iyong bahay upang hindi mahawa ang mga tao sa iyong paligid lalo na ang mga walang bakuna laban sa tigdas. Kung ikaw ay wala pang bakuna, siguruhin na magpabakuna na laban sa tigdas.

You Might Also Like

2 comments

  1. There is a nice article on how to find the right cure especially with newborn http://tigdas.info/tigdas-hangin-sa-baby/

    ReplyDelete
  2. Nagkatigdas kasi ung partner ko,at nahihirapan kasi siya umihi.
    Ano kayang pwedeng gamot or prutas pwedeng kainin nia?

    ReplyDelete

Twitter Feed