Paraan Para Iwas Impeksyon Mula sa Pagsusuot ng Contact Lenses

7:25:00 PM


Paraan Para Iwas Impeksyon Mula sa Pagsusuot ng Contact Lenses

Ang contact lenses ay ginagamit upang maitama ang problema sa mata tulad ng nearsightedness, farsightedness, blurred vision, presbyopia at corneal irregularities. Ngunit maaaring magdulot ito ng komplikasyon tulad ng impeksyon sa mata kapag mali ang iyong paggamit. Huwag din basta-basta nalang bibili ng contact lenses. Kumonsulta sa inyong ophthalmologist upang malaman ang angkop na contact lenses para sa iyo. Lagi ding bumalik sa iyong doktor para sa follow-up upang makasiguro na walang komplikasyon.

Para maiwasan ang problema at komplikasyon sa pagsusuot ng contact lenses, narito ang mga health tips: 
  1. Laging hugasan ang kamay bago hawakan ang iyong contact lenses. Hugasan ito gamit ang sabon at tubig, patuyuin gamit ang malinis na twalya. 
  2. Alisin ang iyong contact lenses bago ka matulog upang maiwasan ang impeksyon sa mata. 
  3. Tanggalin ang contact lenses bago magswimming. 
  4. Gumamit lamang ng commercially-prepared at sterile na contact lens solutions. 
  5. Huwag gumamit ng contact lens solution na expired na. 
  6. Palitan ang contact lenses at lalagyan nito kapag kailangan na palitan. Regular na linisin ang iyong contact lenses at patuyuin ito.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed