Pagkain ng Isda, Magandang Panlaban sa Sakit na Arthritis

7:37:00 AM


Pagkain ng Isda, Magandang Panlaban sa Sakit na Arthritis

Isang paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman mula sa arthritis ay ang pagdagdag ng anti-inflammatory foods sa iyong diet. Ang mga pinakamabisang panlaban sa inflammation na dulot ng arthritis ay ang mga essential fatty acids tulad ng omega 3s lalo na ang makikita sa mga isda.

Ayon sa mga researches, ang mga taong kumakain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids ay may mas mababang posibilidad na magkaroon ng rheumatoid arthritis. Sa mga mayroon naman arthritis, nakakatulong ang omega-3 na bawasan ang pamamaga at pananakit ng mga joints.

Hindi lang sa arthritis nakakatulong ang omega-3 kung hindi pati sa puso ay maganda din itong panlaban sa heart attack. Pinapababa ng omega-3 ang triglycerides, pinipigilan ang pamumuo ng mga plaques ng taba na bumabara sa ugat at pinapataas nito ang HDL cholesterol na maganda sa katawan at pinapababa pa ang blood pressure.

Ilan sa mga isda na mayaman sa omega-3 fatty acids ay ang salmon, tuna, sardinas at mackerel. Ang pagkain ng isda ng dalawa hanggang apat na beses kada linggo ay makakatulong na mabawasan ang inflammation sa mga may arthritis. Mas mainam kung ilalaga, iiihaw o i-bake lamang ang mga isda at hindi aalatan.

Ano kaya ang masarap na luto sa mga isdang ito? Share mo naman ang iyong recipe.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed