Ligtas ba ang sumailalim sa X-Ray habang buntis?

7:31:00 AM


Ligtas ba ang sumailalim sa X-Ray habang buntis?

Ligtas ang pagsailalim sa X-ray habang buntis ang isang babae. Mababa ang posibilidad na makaapekto sa lumalaking sanggol sa sinapupunan ang diagnostic X-ray.

Kadalasan na hindi exposed ang mga reproductive organs sa X-ray exams at maaari ring magsuot ng leaded apron at collar upang maiwasan ang scattered radiation mula sa X-ray.

Ngunit ang pagsailalim sa abdominal X-ray ay maaaring mag-expose ng abdomen at ng sanggol sa radiation. Ang mataas na dose ng radiation ay maaaring magdulot ng pagbabago sa lumalaking sanggol. Maaari itong magdulot ng birth defects at cancer tulad ng leukemia. Ngunit ang tipikal na dose ng radiation para sa abdominal o pelvic X-ray ay hindi nagdudulot ng malaking risk factor para sa birth defects at cancer.

Bago sumailalim sa X-ray, kausapin muna ang iyong doktor. Maaari kasing gumamit ng ibang imaging technique na walang radiation. Kung ikaw ay naexpose sa radiation ng X-ray bago mo malaman na buntis ka na, sabihin ito sa iyong doktor.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed