Dok, Safe ba Sa Buntis Ang Pag-Inom Ng Antibiotics?

5:12:00 AM


Dok, Safe ba Sa Buntis Ang Pag-Inom Ng Antibiotics?

Madalas namang ginagamit ng mga babaeng buntis ang antibiotics. Ngunit kailangan ay tamang antibiotics ang iinumin sapagkat may mga antibiotics na bawal sa buntis dahil makakasama ito sa kanilang kalusugan. Mahalaga na laging prescribed ng doktor ang antibiotics na iinumin, gaano karami at gaano katagal ito iinumin.

Narito ang halimbawa ng mga antibiotics na ligtas inumin ng mga buntis: Amoxicillin, Ampicillin, Clindamycin, Erythromycin, Penicillin, Nitrodurantoin

May ilang mga antibiotics na dapat iwasan ng mga buntis. Halimbawa ay ang mga tetracyclines tulad ng doxycycline at minocycline. Ito ay maaaring makasira sa atay ng babaeng buntis at magdulot ng discoloration sa ngipin ng sanggol.

Ang mga antibiotics na karaniwang ginagamit para sa urinary tract infections tulad ng trimethoprim at sulfamethoxazole ay may kaugnayan sa increased risk ng pagkakaroon ng birth defects. Ngunit may mga kaso pa rin na pinapayagan ang paggamit nito sa mga buntis.

You Might Also Like

1 comments

Twitter Feed