Dok, Pwede Ba Uminom ng Aspirin Kapag Buntis?

2:10:00 AM


Dok, Pwede Ba Uminom ng Aspirin Kapag Buntis? 
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Mayo Clinic

Hindi recommended ang pag-inom ng aspirin habang nagbubuntis maliban nalang kung mayroon kang sakit tulad ng paulit-ulit na pregnancy loss, clotting disorders o preeclampsia. Ngunit mababang dosage lamang ng aspirin ang ginagamit sa mga buntis na may mga sakit na nabanggit.

Ang high dose ng aspirin ay maaaring magdulot ng panganib sa pagbubuntis. Sa unang trimester ng pagbubuntis, ang paggamit ng high dose ng aspirin ay maaaring mauwi sa pagkalaglag ng bata o pagkakaroon nito ng congenital defects. Ang pag-inom ng high dose ng aspirin sa third trimester ay maaaring magdulot ng maagang pagsasara ng ugat sa puso ng bata. Ang matagalang paggamit ng high dose ng aspirin habang nagbubuntis ay maaaring magdulot ng pagdudugo ng utak ng mga premature na sanggol.

Kung kinakailangan talagang uminom ng aspirin lalo na sa ikatlong trimester ng pgabubuntis, kailangan ay mamonitor ng doktor ang babaeng buntis at ang sanggol na dinadala nito. Kung kailangang uminom ng kahit anong pain reliever habang buntis, mabuting kumonsulta muna sa inyong doktor. Maaaring magreseta ang doktor ng ibang gamot tulad ng acetaminophen (Tylenol etc) sa halip na aspirin.

You Might Also Like

9 comments

  1. Doc.nung march 2017 nakunan po ako then two months plng po yung nkakipas buntis na po ako agad. Niresitahan po ako ng ob ko ng aspirin. Sabi nya po Kylangan ko dw po Yun kasi kakaraspa ko lng. Tanung ko lng po kung safe po b sa buntis ang aspirin

    ReplyDelete
  2. 4months na akong buntis ,, nung 1 to 3months nkatake ako ng gamot diko kc alam na buntis ako ,..

    ReplyDelete
  3. Hello po, my Suspected DVT po ako. While waiting for the rest ng DVT ultrasound. Nagtatake po ako aspirin , Im 16 weeks pregnang. Safe po b ito?

    ReplyDelete
  4. kung iinom ba ng aspirin maari bang malaglag ang bata?

    ReplyDelete
  5. Kailangan ba recital Ang aspirin ?

    ReplyDelete
  6. sabi ng OB q po hanggang 34weeks daw aq magtake ng aspirin.. safe po ba un?

    ReplyDelete
  7. doc niresetahan pp ako ng obygyne ko ng Aspirin 80mg ..dahil mataas po ang bp ko nasa 190/80. okkay lang po ba ako uminom kahit buntis po ako? 9weeks pregnant here.

    ReplyDelete

Twitter Feed