Ano ang mga Sintomas ng Primary Complex?

5:40:00 PM


Ano ang mga Sintomas ng Primary Complex?

Ano ang primary complex o tuberculosis?
Ang primary complex ay isang uri ng TB sa mga batang may edad 15 o pababa. Ito ay hindi nakakahawa ngunit kapag lumala ito at maging pulmonary tuberculosis ay maaari na itong maipasa sa ibang tao. Ang mga sanggol at mga bata ay may mas mataas na psoibilidad na magkaroon ng life-threatening form ng TB disease. Ang mga may edad na limang taon o pababa ang may pinakamataas na kaso ng TB. Higit 136,000 na bata ang namamatay mula sa tuberculosis kada taon.

Nakukuha ng isang bata ang TB kapag nalanghap nito ang TB bacteria papunta sa kanyang baga. Dito magpaparami ang TB bacteria at kakalat sa mga lymph nodes. Pipigilan ng immune system ng isang bata ang pagkalat ng TB. Ngunit may mga bata na mahina ang resistensya at hindi napipigilan ng kanilang katawan ang pagdami ng TB bacteria. Mas mataas ang posibilidad na lumala ang TB kapag ang bata ay 4 na taong gulang pababa.

Ano ang sintomas ng primary complex o tuberculosis?
Ang mga sintomas ng primary complex sa bata ay ubo na mahigit tatlong linggo, panghihina o palaging pakiramdam na may sakit, hindi na gaanong naglalaro, pumapayat, nilalagnat at pinagpapawisan kapag gabi. Ang pinakamadalas ng uri ng TB disease ay ang pulmonary TB. Ngunit dapat malaman na hindi lahat ng may primary complex o TB ay nagkakaroon ng sakit.

Paano malalaman kung mayroon kang primary complex o tuberculosis?
Kadalasang mahirap madiagnose ang primary complex at tuberculosis dahil hindi madalas nakikita ang mga sintomas sa mga bata. Para madiagnose ang primary complex o TB kailangang kumonsulta sa inyong doktor, magsasagawa ang doktor ng masusing history taking at physical examination ang doktor. Ilan sa mga laboratory test upang malaman kung may primary complex ay tuberculin skin testing, chest-xray at acid-fast bacilli test kung saan malalaman kung may TB bacteria sa sputum o dahak.

Paano maiiwasan ang primary complex o TB?
Isang pinakamainam na paraan ay ang pagpapabakuna ng BCG vaccine. Hindi nito 100% napipigilan ang pagkakaroon ng TB ngunit napipigilan nito ang paglala ng TB infection. Mahalaga din na malaman kung may mga kasama ang isang bata na mayroong TB upang maiwasang mahawa ang mga bata.

May mga bata na mas mataas ang risk na magkaroon ng TB lalo na ang mga batang nakatira sa isang bahay na mayroong isang miyembro na nadiagnose na smear postive TB, mga batang limang taong gulang o pababa, mga batang mayroong HIV infection at mga batang sobrang payat o may malnutrition.

You Might Also Like

22 comments

  1. -hi dok..ask q lang po bumabalik po ba ang primary complex sa bata once na ngkaron na xa?

    ReplyDelete
  2. Dok yung friend ko po 22 yrs old na sya may primary complex sya sa leeg maari po ba kame mahawa sa kanya ?

    ReplyDelete
  3. Hi dok. Bumabalik po ba ang primary pag po na gamot na ?

    ReplyDelete
  4. Yung baby ko yung ubo nya my plema dinala ko na sya a pedia sbe marami na dw plema kya niresethan kme ng gamot gumiginhawa nman pero gnun prin pablik blik yung ubo nya . Minsan pag umubo sya nsusuka na sya kaso nilulunok nya yung plem nya .

    ReplyDelete
  5. Yung baby ko yung ubo nya my plema dinala ko na sya a pedia sbe marami na dw plema kya niresethan kme ng gamot gumiginhawa nman pero gnun prin pablik blik yung ubo nya . Minsan pag umubo sya nsusuka na sya kaso nilulunok nya yung plem nya .

    ReplyDelete
  6. Kpg nilalagnat po b ng 3 days at baby 2 years old lng my posibilidad po bng mahawa sa 7 months n my TV n ksama nmin s bahay

    ReplyDelete
  7. ung lola ko po positive TB po cya maaaring mahawa po ba ung 9mOnths old ko na anak kahit may BCG VACCINE po cya pa help po

    ReplyDelete
  8. ung lola ko po positive TB po cya maaaring mahawa po ba ung 9mOnths old ko na anak kahit may BCG VACCINE po cya pa help po

    ReplyDelete
  9. Tanong ko lang po, may primary complex na po yung anak ko na 1yr. 4mos. Possible po ba na mahawaan niya ung 9yrs. Old na minsan niya lang po makasalamuha? TIA

    ReplyDelete
  10. Ano ang tamang oras ng painom ng gamot ng batang may primary complex?at kung napakain sya ilang oras bago sya pwdng paunumin

    ReplyDelete
  11. Hi doc good evening..yung panganay ko na anak doc inuubo sya sa twing gabi..pero yung ubo nya parang walang plema at ang tigas ng ubo nya doc.anu po ba ito doc?mag 1 week na sya laging ganito may gamot naman na tinitake pero hindi antibiotic.

    ReplyDelete
  12. DOC ANU SA PALAGAY NYU BAKIT IBA IMPRESSION NG PINAGKUNSULTAHAN NAMN, UNG ISANG DOCTOR SABI UNG PPD NYA POSITIVE MY PRIMARY TB DAW TAS PINA XRAY SYA IMPRESSION PNEUMONIA TAS SECOND OPINION SA IBANG DOCTOR PINABASA YUNG XRAY SABI NORMAL.

    ReplyDelete
  13. Dok kaka pa check up ko kng sknya my kulani na po sya at almost mag tatatlong bwan na sya mag ubo pero ang sipon nwwla nmn po lage kmi pbalik pablik sa clinic

    ReplyDelete
  14. Yung anak ko po tpus na sia maggamot last august 2018 pero ngayon po inuubo nnman sia. 2weeks na. Possible po bang bumalik ulit primary nia

    ReplyDelete
  15. Hi doc, yung anak ko nagkaroon ng kulani sa ilalim ng tenga na bandang leeg na,wala pong ubo,sipon o lagnat ,nung pinakunsulta ko sa pedia nadiagnose na may PC yung anak ko pero nagsagawa ng test,after ng 7days na paginom ng refampicin xray at skin test after nun sa xray may nakita xiang "tama" pero sa skintest negative xia kya ending vitamins lan po an advise pra po di bumagsak an immune system nya. after a month, last thursday po bumalik na aman yung kulani at inuubo na xia pero wala pong lagnat.posible po ba na may PC tlga anak ko o dala lan ng panahon???

    ReplyDelete
  16. Hi po.. Tanong ko lng po.. Pag ba nag dudugo ang ilong ng bata possible po kyng may TB din un.. Hindi naman po sobrang pag durogo.may ubo at sipon din po kasi sya..

    ReplyDelete
  17. Hi po concern po kasi ako sa baby ko. Kasi nung ponapatulog ko po sya pra pong dumadami mga prang kulani sa likod ng ulo nya sa leeg nya kaliwa kanan at dito sa likod ng tenga dti 1 lang ung nung baby nya ed sbi ng kasama ko normal lang un na mamagang ugat lang daw. Ed d ko na pinansin. Ngayon po pansin ko orang nadami po sya. Ed na search po ako mg possibilidad kung anong bukol o kulani. Wla nmn po syang sipon energetic nmn sya active na active nakain din sya, nag woworry lang po kasi ako kung akit kaya may ganon sya d ko po panamn mailabs sa ngayin bukod ng wlang sasakyan wla pang pang pa check up please sana ma notice nyo po ako. Super nag aalala na po ako sa baby ko sya po ay 15 months na po

    ReplyDelete
  18. Good am po. May concern lang po ako yung baby ko po nalaman po na may Primary kochs infection po siya nung nagpa xray then negative naman po sa skin test pinag gamot po siya ng clarithromycin for 10 days nawala naman po ubo niya perp Oct 5 2020 bumalik na naman po ubo niya tas nagpa check up na kami sa hospital ni recommend kami sa Tb dots pinag xray po ulit kami, skin test tsaka sputum negative po siya sa xray tsaka sputum pero sa skin test nag positive siya pero hindi naman po kami pinag gamot. Still may ubo pa din po siya until now tas pag naubo po siya hinihingal pp siya nung nagpa check up po ulit kami niresetahan po kami ng ambroxol tsaka co amox nawala naman po pero bumalik na naman siya after ilang days tas may hingal din po pina inom ko po siya ng salbutamol syrup medyo nawala po hingal niya tas ini steam ko po siya. Posible po bang kailangan talaga mag gamot ng baby ko for Primary kaya pabalik balik yung ubo niya? O posible din po bang may asthma baby ko? Thank you po.

    ReplyDelete
  19. Good am po. May concern lang po ako yung baby ko po nalaman po na may Primary kochs infection po siya nung nagpa xray then negative naman po sa skin test pinag gamot po siya ng clarithromycin for 10 days nawala naman po ubo niya perp Oct 5 2020 bumalik na naman po ubo niya tas nagpa check up na kami sa hospital ni recommend kami sa Tb dots pinag xray po ulit kami, skin test tsaka sputum negative po siya sa xray tsaka sputum pero sa skin test nag positive siya pero hindi naman po kami pinag gamot. Still may ubo pa din po siya until now tas pag naubo po siya hinihingal pp siya nung nagpa check up po ulit kami niresetahan po kami ng ambroxol tsaka co amox nawala naman po pero bumalik na naman siya after ilang days tas may hingal din po pina inom ko po siya ng salbutamol syrup medyo nawala po hingal niya tas ini steam ko po siya. Posible po bang kailangan talaga mag gamot ng baby ko for Primary kaya pabalik balik yung ubo niya? O posible din po bang may asthma baby ko? Thank you po.

    ReplyDelete
  20. Hai dok..Yung anak ko Kasi nagkasipon at ubo Siya nung 9 months.nagkaroon Siya Ng kulani.sa may likod Ng tenga nya at Baba..ngayon 1 year 8 months na po Siya hanggang ngayon andito prin Yung kulani niya.naka ilang pacheck up na ako sa knya Puro antibiotic lng tpos Di Naman nwawala Yung kulani niya..tpos pinacheck up ko ulit sa pedia Pina PPD test Siya negative Naman po..Anu po ba puwede gawin or gamot para po nawala Yung kulani sa likod Ng tenga niya at Baba po .?

    ReplyDelete

Twitter Feed