Ano ang Maaaring Maging Komplikasyon Kapag May Lupus?

3:23:00 PM


Ano ang Maaaring Maging Komplikasyon Kapag May Lupus?

Ang inflammation o pamamaga na dulot ng sakit na lupus ay maaaring makaapekto sa iba't ibang organs sa katawan ng tao.
  1. Kidneys. Ang sakit na lupus ay maaaring magdulot ng pagkasira sa kidney ng isang tao. Ang kidney failure ang isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga taong may lupus. Ang ilan sa mga senyalse at sintomas ng problema sa kidneys ay pangangati, pananakit ng dibdib, nausea, pagsusuka at pamamanas ng paa o edema.
  2. Brain and Central Nervous System. Kapag naapektuhan ang utak ng isang taong may lupus, maaaring makaranas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pagbabago ng ugali, hallucinations, stroke at seizures. Marami sa mga may lupus ang nakakaranas ng problema sa memorya at pagsasabi ng kanilang naiisip. 
  3. Blood and blood vessels. Ang lupus ay maaaring mauwi sa problema sa dugo tulad ng anemia at mataas na posibilidad ng bleeding o blood clotting. May posibilidad din na magkaroon ng pamamaga ng blood vessels o vasculitis. 
  4. Lungs. Ang pagkakaroon ng lupus ay nagdudulot ng mas mataas na risk na magkaroon ng pamamaga ng chest cavity lining (pleurisy) na maaaring magdulot ng sakit. Mataas din ang risk na magkaroon ng pneumonia. 
  5. Heart. Maaaring magdulot ng inflammation sa heart muscles, arteries at heart membranes (pericarditis). Tumataas din ang risk na magkaroon ng cardiovascular disease at heat attacks.
Ang pagkakaroon ng lupus ay nagdudulot din ng mas mataas na risk na magkaroon ng mga sumusunod
  1. Infections. Mas mataas ang risk na magkaroon ng iba't ibang impeksyon dahil ang kanilang sakit at ang mga gamot na iniinom ay nakakapagpahina sa kanilang immune system. Ang mga infections na madalas sa mga may lupus ay urinary tract infections, yeast infections, salmonella, herpes at shingles. 
  2. Maaari ring magkaron ng cancer
  3. Avascular necrosis kung saan humihina ang supply ng dugo sa mga buto na nagdudulot sa pagkasira at pagkamatay ng buto. Ang balakang o hips ang kadalasang naaapektuhan. 
  4. Pregnancy. Mataas din ang risk na magkaroon ng miscarriage ang isang buntis na may lupus dahil high risk sila sa pagkakaroon ng high blood pressure (preeclampsia) at preterm birth.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed