Alamin ang Sakit na Malaria at mga Sintomas Nito

5:56:00 PM


Alamin ang Sakit na Malaria at mga Sintomas Nito

Ang malaria ay isang malala at nakamamatay na sakit na dulot ng isang parasite na nakukuha mula sa mga lamok na kumakagat sa tao. Ang mga taong nagkakaroon ng malaria ay kadalasang nagkakasakit, may mataas na lagnat, nanginginig at nilalamig at nakakaranas ng flu-like illness. Bagamat nakakamatay ang malaria, maaaring maiwasan ang pagkakaroon nito at pagkamatay mula dito.

Ang malaria ay nakukuha mula sa babaeng Anopheles na lamok. Kapag nakagat ang isang tao, maaaring mabuhay at dumami ang malaria parasite sa atay at ito ay kakalat sa dugo ng isang tao. Lalaki at dadami ang mga malaria parasite sa dugo at sisirain nito ang dugo ng isang tao. Kapag nakagat ng lamok ang isang taong may malaria, maaari nitong makuha ang malaria at magpapatuloy lamang ang cycle of infection.


Tinatayang 600,000 ang namamatay kada taon mula sa malaria. Madalas itong makikita sa mga tropical countries tulad ng Pilipinas. Patuloy pa ring ginagawa at inaaral ang bakuna para mapigilan ang pagkakaroon ng malaria.

May 79 probinsya sa buong Pilipinas. 57 dito ay tinuturing na malaria-endemic provinces. Ibig sabihin mayroong mga naitatalang malaria cases mula sa mga probinsyang ito. 9 na probinsya ang may higit 1000 kaso ng malaria mula 2001 hanggang 2005. Kasama dito ay Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, Isabela, Cagayan, Quirino, Zambales, Palawan, Mindoro Occidental, Quezon, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, Davao Oriental, Davao del Sur, Davao del Norte, Compostela Valley, Saranggani, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Tawi-tawi, Sulu, Basilan.

Ano ang mga Sintomas ng Malaria?
  1. Lagnat
  2. Chills
  3. Nagpapawis
  4. Nahihilo
  5. Sumasakit ang Ulo
  6. Nagsusuka
  7. Pananakit ng Katawan

Kadalasang lalabas ang mga sintomas ng malaria ilang linggo matapos makagat ng lamok na infected ng malaria parasite. Ngunit mayroon ding klase ng malaria na dormant o hindi kaagad nagkakaroon ng sintomas. Kumonsulta sa doktor kapag nakaranas ng mataas na lagnat kung ikaw ay nakatira o pumunta sa isang lugar na high-risk for malaria.

Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng malalang sakit na malaria ang mga bata o sanggol, mga turista o mga taong pumunta sa isang high risk na lugar para sa malaria at mga buntis. Ang kahirapan, kawalan ng tamang kaalaman ukol sa sakit na malaria, kawalan ng access sa doktor at healthcare ay ilang sa mga dahilan ng mataas na pagkamatay dahil sa malaria.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed