Simpleng Paraan Para Mahikayat Ang Mga Kabataan na Huwag Manigarilyo

7:21:00 AM


Simpleng Paraan Para Mahikayat Ang Mga Kabataan na Huwag Manigarilyo
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Mayo Clinic

  1. Maging mabuting ehemplo. Huwag manigarilyo sa bahay, sa kotse o sa harap ng inyong anak. Huwag ding mag-iwan ng sigarilyo kung saan maaari itong makita ng iyong mga anak. 
  2. Kausapin ang mga bata at sabihin ang mga masasamang maidudulot ng paninigarilyo. Lagi itong ipaalala sa kanila upang hindi sila mahikayat na manigarilyo. 
  3. Laging ipaalala sa mga teenagers na madumi at mabaho ang sigarilyo. Paalalahanan sila na nagdudulot ito ng bad breath at wrinkles. Kumakapit ang amoy nito sa damit, hininga, buhok at nagdudulot ng paninilaw ng ngipin. Maaari din magkaroon ng matinding ubo at panghihina dahil sa paninigarilyo. 
  4. Sabihan ang mga teenagers na mahal ang sigarilyo. Bilangin kung magkano ang magagastos kada linggo, kada buwan at kada taon mula sa paninigarilyo. Ang halagang ito ay maaari nang maibili ng electronic devices, damit at concert tickets. 
  5. Tulungan ang mga kabataan sa paghandle ng peer pressure. Turuan sila na humindi kapag hinihikayat silang manigarilyo ng kanilang mga kaibigan. 
  6. Paalalahanan ang mga teenagers na mahirap alisin ang addiction sa paninigarilyo. Lahat ng mga matandang naninigarilyo ay nagsimula sa paisa-isang stick ng sigarilyo hanggang dumami na ng dumami at naging addiction na ito at hindi na nila maialis ang paninigarilyo. 
  7. Gumamit ng mga halimbawa tulad ng mga kamag-anak o kapitbahay na namatay dahil sa cancer, atake sa puso o stroke na resulta ng matagal na paninigarilyo. 
  8. Makiisa sa mga local and school-sponsored smoking prevention campaigns. Suportahan ang mga efforts na magkaroon ng smoke-free na mga pampublikong lugar.

Kung naninigarilyo na ang inyong anak o ang kakilala ninyong teenagers, huwag silang takutin at puwersahin na tumigil sa paninigarilyo. Sa halip ay kausapin sila, tanungin kung may pinagdadaanan sila at kung bakit sila naninigarilyo. Magbigay ng payo kung paano nila maititigil ang paninigarilyo. Paalalahanan din sila na ang pagtigil ng paninigarilyo ay isa sa pinakamagandang desisyon na gagawin nila sa buong buhay nila dahil makakatulong ito ng malaki sa kanilang kalusugan.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed