Philippine Endemic Animals: Philippine Eagle

5:20:00 AM



Ang Philippine eagle o agila (Pithecophaga jefferyi) ay ang pinakamalaking agila sa buong mundo at isa rin ito sa mga pinakananganganib na raptors na tuluyan nang maubos ang lahi. Ang babae at lalakeng Philippine eagle ay halos magkapareho lang ang kulay. parehong may creamy white na tiyan at ilalim ng pakpak. Mahaba ang mga balahibo nito na kulay chocolate brown. Mayroon itong malakas at dilaw na mga paa at matalas ang claws ng Philippine eagle. Ang tuka nito ay kulay bluish-grey.

Philippine eagle. Source: Philippine Eagle Foundation

Nabubuhay ang Philippine eagle ng 30 hanggang 60 taon. Ang mga karaniwang pagkain nito ay flying lemurs, civets at unggoy. Ang mga mag-asawang Philippine eagle ay magkasamang naghahanap ng pagkain. Ang isang ibon ay magsisilbing decoy na manlilito sa kanilang kakaining hayop. Kapag nakuha na ang atensyon ng hayop, biglang aatake ang isang Philippine eagle. Kadalasan silang naninirahan sa matataas na puno. Ang pangingitlog ng Pilippine eagle ay sa pagitan ng Oktubre hanggang Disyembre. Kapag napisa na ang itlog ng Philippine eagle, isang taon itong nakadepende sa mga magulang nito.

Ang Philippine eagle ay matatagpuan lamang sa mga isla ng Luzon, Samar, Leyte at Mindanao. Ayon sa pinakahuling tala, nasa humigi't kumulang 250 na lamang ang bilang ng Philippine eagle sa bansa. Kumonti ang bilang nila dahil na rin sa pagkasira ng kagubatan na siyang kanilang tirahan. Maraming kagubatan ang ginawa nang commercial lands at taniman. Ang pagmimina at hunting ay may kontribusyon din sa pagkaunti ng bilang ng mga Philippine eagle.

Pangalagaan natin ang mga hayop sa ating bansa. Ang Philippine eagle ay may malaking papel na ginagampanan sa ating ecosystem. Kapag naubos ang mga Philippine eagle, magdudulot ito ng problema sa kalikasan. Huwag nating hayaang tuluyan silang mawala dahil yaman sila ng ating bansa. 

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed