Oral Sex: Maaaring Magdulot ng Throat Cancer

2:17:00 AM


Oral Sex: Maaaring Magdulot ng Throat Cancer
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Cleveland Clinic

Kilala ang human papilloma virus o HPV na sanhi ng cervical cancer. Ngunit ang HPV din ang pinakamadalas na sanhi ng throat cancer (oropharyngeal cancer). Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng oral sex. Ang iba pang maaaring sanhi ng oral cancer ay ang paninigarilyo. Ayon sa tala ng Centers for Disease Control and Prevention, 9000 na bagong kaso ng throat cancer kada taon ay maaaring dahil sa HPV.

Ang pagkakaroon ng maraming oral sex partners ang pangunahing risk factor sa pagkakaroon ng oral HPV infection at HPV-related throat cancer. Mas mababa ang bilang ng oral cancer sa mga babae.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng HPV at oral cancer, limitahan ang lifetime sexual partners. Kung maaari ay magkaroon lamang ng isang oral sexual partners. Maaaring magpabakuna upang makaiwas sa HPV infection. Maaari ring sumailalim sa screening upang malaman ng maaga kung mayroon ka nang oral cancer. Kakapain lamang ng doktor ang iyong leeg at oobserbahan ang iyong bibig. Bumisita ng regular sa iyong dentista dahil dila ang madalas na nakakakita ng mga abnormalities sa iyong dila at tonsils. Iwasan ang labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Mahirap malaman ang pagkakaroon ng throat cancer. Kapag nakaranas ng mga sumusunod na sintomas ng higit sa dalawang linggo, mangyari lamang na magpatingin sa isang ear, nose and throat specialist (otorhinolaryngologist). 
  1. Pamamaga o bukol sa leeg. 
  2. Pananakit ng tainga. 
  3. Hirap sa paglunok. 
  4. Paghilik. 
  5. Hirap kumain. 
  6. Parang gasgas ang boses.
  7. Sore throat. Malalaking kulani. 
  8. Biglaang pagbaba ng timbang.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed