Mga Masusustansyang Pagkain Para Sa Mga Mayroong Diabetes

4:28:00 PM



Mga Masusustansyang Pagkain Para Sa Mga Mayroong Diabetes
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Mayo Clinic and Web MD

Maaaring makontrol ang diabetes sa pamamagitan ng tamang pagkain. Kumonsulta sa inyong doktor o dietitian upang malaman ang mga pagkain na makakatulong upang makontrol ang iyong blood sugar.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates. Kumain ng mga fresh na prutas at gulay, whole grains, legume (beans, peas, lentils) at low-fat dairy products (low fat yogurt at skim milk).

Fiber-rich foods. Ang dietary fiber ay nakakatulong makaiwas sa sakit sa puso at nakakapagpababa ng blood sugar levels. Ang mga pagkain na mataas ang fiber content ay gulay, prutas, mani, legume, whole-wheat flour at wheat bran.

Heart-healthy fish. Kumain ng isda ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang linggo. Mas mababa ang cholesterol ng mga isda. Ang mga isda tulad ng salmon, mackerel, tuna, sardinas at bluefish ay mayamang sa omega-3-fatty acids na nakakatulong na mapababa ang fats at cholesterol sa katawan.

Good fats. Ang mga pagkain na mayaman sa monounsaturated at polyunsaturated fats tulad ng avocado, almonds, walnuts, olives, canola at peanut oil ay nakakatulong mapababa ang cholesterol sa katawan.

Uminom ng tubig. Iwasan ang mga soda, regular beer, sweetened teas, kape na maraming gatas at asukal at mga energy drinks.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed