Menopausal Hormone Therapy: Risk Factor ng Breast at Endometrial Cancer

10:07:00 AM


Menopausal Hormone Therapy: Risk Factor ng Breast at Endometrial Cancer
Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: American Cancer Society

Ginagamit ang estrogen hormone therapy upang maibsan ang sintomas ng menopause tulad ng hot flashes at pagpapawis. Ito rin ay tinatawag na hormone replacement therapy, postmenopausal hormone therapy o postmenopausal hormones. May dalawang klase ng postmenopausal hormone therapy na inaral na kung may kinalaman sa ito sa pagkakaroon ng cancer. Ito ay estrogen-progestin therapy at estrogen therapy.

Base sa mga pag-aaral, nalaman na may masamang naidudulot ang therapy na ito sa kalusugan ng isang babae. Ang paggamit ng hormone replacement therapy ay isang risk factor sa pagkakaroon ng cancer.

Ang estrogen-progestin therapy ay nagdudulot ng mas mataas na risk ng pagkakaroon ng breast cancer. Mas matagal ang paggamit ng estrogen therapy, mas mataas ang risk na magkaroon ng breast cancer. Madalas na nalalaman ang breast cancer ng mga gumamit ng estrogen therapy kapag malala na ito at kumalat na sa ibang bahagi ng katawan. Walo sa kada 10,000 babae na gumagamit ng estrogen-progestin therapy ang gkakaroon ng breast cancer kada taon.

Ang estrogen therapy naman ay nakita na nakakapagpataas ng risk ng pagkakaroon ng endometrial cancer. Kahit na tumigil na sa paggamit ng estrogen therapy ay mataas pa rin ang risk na magkaroon ng endometrial cancer.

Kausaping mabuti ang inyong doktor kung may balak sumailalim sa menopausal hormone therapy. Itanong kung ano ang mga benepisyo at risk ng therapy. Maliban sa kanser, ilan sa mga nakitang maaaring epekto nito ay sakit sa puso, stroke at blood clots. Huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor bago sumailalim sa anumang gamutan.

You Might Also Like

2 comments

  1. This is the first time i read your blog and admire that you have posted on this...I really found useful.Keep updated.

    ReplyDelete
  2. Panu po kng masakit nakirot ang nipple ko the pkiramdam ko lumalaki breast ko at mskit

    ReplyDelete

Twitter Feed