Malaki ang Natutulong ng Ehersisyo sa Pagkontrol ng Diabetes

10:08:00 AM

Malaki ang Natutulong ng Ehersisyo sa Pagkontrol ng Diabetes
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: US National Institutes of Health

Ang pagiging physically active o pag-eehersiyo ay importanteng paraan upang makontrol ang diabetes. Nakakatulong ito na magkaroon ng tamang blood sugar, blood pressure at cholesterol. Ito ay makakatulong na maiwasan ang komplikasyon sa bato, mata, ugat, paa at ngipin.

Ang pag-eehersisyo ay makakatulong na magamit ng mabuti ng katawan ang insulin, nagpapalakas ito ng puso at buto at nagpapatibay ng mga joints. Nakakatulong din ito na makapagbawas ng timbang, taba, nagbibigay ng lakas at nakakatulong tanggalin ang stress.

Bago magsimulang mag-ehersisyo mainam na kumonsulta sa inyong doktor upang malamag ang mga pwedeng ehersisyo na gawin. Samahan na rin ng konsultasyon ng nutritionist-dietitian upang malaman ang mga pagkain na dapat kainin.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed