Kanin Mula sa Mais! Masustansya Na, Mura Pa!

4:16:00 PM


Kanin Mula sa Mais! Masustansya Na, Mura Pa!
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)

Sa mahal ng presyo ng bigas, may alternatibo bang likas? Meron! At ito ang white corn rice. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Institute of Human Nutrition and Food ng UPLB, ang pinaghalong white corn rice at white rice ay pareho lang ang lahat sa kanin na mula sa palay. Masusi itong inaral ng Institute of Plant Breeding at nalaman na maaari itong maging staple food ng mga Filipino.

Sinubukan kong kainin ang binili kong white corn rice. Pareho ng appearance with white rice at pareho lang din ang lasa. Higit sa lahat masustansya at napakamura lang ng white corn rice. 30 pesos per kilo lang.

More protein, lysine and tryptophan (normal white corn lacks the essential AA lysine and tryptophan pero meron itong variety na ito). More dietary fibers. More antioxidants. Higher amylose, lower glycemic index (good for diabetic) and more minerals.

Congrats Dr. Art Salazar, UPLB Institute of Plant Breeding sa produktong ito! Sa ngayon ay hindi pa ito mabibili sa mga palengke at supermarkets. Ngunit kung interesado kayo, maaaring tawagan ang Institute of Plant Breeding sa numerong (049) 536 7181 / (049) 536 8750 / 09293434255 / 09277864741 o iemail sa whitecorn.net.ph@gmail.com

Tatak UP! Gawang Pinoy!

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed