Kahit Sanggol at Bata at Pwedeng Ma-Stroke!

8:23:00 AM



Kahit Sanggot at Bata ay Pwedeng Ma-Stroke
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Cleveland Clinic

Madalas ay hindi mo iisipin na pwedeng magkaroon ng stroke ang isang bata dahil madalas ay matatanda ang nagkakaroon nito. Ngunit ang stroke, o sakit kung saan natitigil ang pagdaloy ng dugo sa utak, ay maaaring sa kahit anong edad. Kahit sanggol o bata ay maaaring magkaroon ng stroke.

Pinakamataas ang risk ng stroke sa mga sanggol na kakapanganak lang hanggang isang taong gulang. Kabilang pa rin ito sa 10 pinakamadalas na sanhi ng pagkamatay sa mga bata ayon sa National Stroke Association.

Tandaan ang pitong sintomas ng stroke sa mga sanggol at bata. 
  1. Biglaan at matinding sakit ng ulo na may kasamang pagsusuka 
  2. Panlalabo ng paningin o pagkawala ng paningin 
  3. Matinding pagkahilo at inaantok 
  4. Hindi makatayo ng maayos at laging naa-out of balance 
  5. Seizure o biglang pangingisay 
  6. Namamanhid o nanghihina ang isang side ng katawan 
  7. Nahihirapang magsalita at makaintindi

May mga sakit na nakakapagpataas ng risk ng stroke sa mga sanggol at bata. Ito ay congenital heart disease, genetic disorders na nakakaapekto sa ugat sa utak, sickle cell disease, autoimmune disorders, trauma sa ulo at leeg at impkesyon sa utak tulad ng meningitis.

Kapag nakaranas ng mga sintomas na nabanggit ang inyong mga anak, tiyakin na dalhin agad ito sa pinakamalapit na hospital upang mabigyan ng tamang gamutan at maligtas ang kanyang buhay.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed