Huwag Mawalan ng Pag-asa Kapag Nakaranas ng Miscarriage!

12:34:00 AM


Huwag Mawalan ng Pag-asa Kapag Nakaranas ng Miscarriage!
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Cleveland Clinic

Maaaring nakakawala ng pag-asa kapag ikaw ay nakunan o nalaglag ang iyong batang dnadala. Marami ang ayaw nang subukan na magkaanak muli dahil natatakot na baka malaglag muli ito. Ang miscarriage ay madalas na nangyayari. Ayon sa pag-aaral 12-15% ng kababaihan na nasa edad 20 at 25% sa mga kababaihan edad 40 pataas ang nakakaranas ng miscarriage.


Paano Nakukunan ang Isang Buntis? 
Ang pinakamadalas na rason ng miscarriage sa unang trimester ay chromosomal abnormality sa sperm ng tatay o sa itlog ng nanay. Nalalaglag ang bata dahil hindi ito mabubuhay kapag nagpatuloy ang pagbubuntis dahil sa genetic abnormality. Kung nagkaroon ng miscarriage, may 75% chance na magiging normal ang susunod na pagbubuntis. Minsan nagkakaroon ng miscarriage kapag mayroong malaking pagbabago sa hormone ng isang babae o kaya ay mayroong infection.

Ano ang dapat gawin pagkatapos ng miscarriage? 
Natural lang na makadama ng shock, galit, pagkabigo pagkatapos ng miscarriage. Ngunit hindi ito dapat maging hadlang upang sumubok muli. Maaaring kumuha ng emotional support sa inyong kapamilya at kaibigan. Kung ikaw ay nakaranas ng miscarriage kailangan ng masusing pagsusuri upang malaman kung ano ang dahilan ng iyong miscarriage. Mabuti rin na tama ang iyong timbang, itigil ang paninigarilyo, kontrolin kung mayroong diabetes at altapresyon upang mas mataas ang chance na maging normal ang pagbubuntis.

Nakakalungkot makaranas ng miscarriage ngunit kailangan tandaan na may pag-asa pa. Hindi ibig sabihin na nagkaroon ka ng miscarriage ay hindi ka na magkakaanak. Kumonsulta sa inyong OB GYN upang magabayan kayo sa inyong pagbubuntis.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed