Huwag Hugasan ang Karne Bago Lutuin

12:46:00 PM


Huwag Hugasan ang Karne Bago Lutuin
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: United States Department of Agriculture Food Safety and Inspection Service

Maraming tao ang naniniwala na dapat hugasan ang karne tulad ng manok, baboy o baka bago lutuin. Ngunit hindi naman kailangan hugasan pa ang mga ito. Anumang mikrobyo na meron sa karne ay mamamatay kapag ito ay iniluto. Basta siguruhin lang na tama ang pagkakaluto.

Kung hindi maiwasan at kailangan talagang hugasan ang karne, siguruhin na walang maraming tubig ang tatalsik mula sa karne upang maiwasan ang cross contamination. Hugasan ang karne sa isang closed container at maghugas ng kamay pagkatapos hawakan ang karne bago humawak ng ibang bagay o pagkain.

Mas delikado pa nga kapag hinugasan ang karne dahil ang mga bacteria mula sa karne ay maaaring maipasa sa ibang gamit sa kusina sa pamamagiatan ng tilamsik ng tubig. Maaaring magkaroon ng cross-contamination. Ang mga pagkain sa paligid ay maaaring mahawa ng mga bacteria mula sa karne kapag tumilamsik ang tubig. Ang bacteria sa manok na Campylobacter ay madalas na naipapasa sa maling paghuhugas ng manok bago lutuin. Ito ay maaaring mauwi sa food poisoning at pagkamatay.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed