Bawasan ang Pag-inom ng Alak Bago Matulog!

2:22:00 AM



Bawasan ang Pag-inom ng Alak Bago Matulog!
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: Cleveland Clinic

Kadalasang iniinom ang alak o wine para mabilis makatulog ang isang tao sa gabi. Bagamat nakakaramdam ng antok ang isang tao pagkainom ng alak, nagdudulot ito ng paputol-putol na tulog sa gabi ayon sa isang neurologist at sleep expert. Kahit na may sedative effects ang alcohol, mas malaki ang epekto nito sa pagsira ng tuluy-tuloy na tulog.

Ang pag-inom ng alak bago matulog ay nagdudulot ng mga malinaw o masasamang panaginip. Malaki din ang posibilidad ng pagsasalita, paggalaw o pagtayo at paglalakad habang natutulog. Ang alcohol din ang nagdudulot ng pagkarelax ng muscles sa ating katawan pati na sa daanan ng hangin. Kapag nagrelax ito ay maaaring magsara ito at magdulot ng sleep apnea kung saan hindi sapat ang oxygen na nakukuha ng iyong katawan dahil sa patigil-tigil na paghinga habang natutulog.

Nagdudulot din ng hangover tulad ng pananakit ng ulo at pagkahilo pagkagising matapos uminom ng alak. Nakakaapekto din ang alak sa melatonin levels ng katawan. Ang melatonin ay hormone na nagkokontrol ng body clock ng ating katawan. Kapag nasira ang ating body clock, mahihirapan malaman ng ating katawan kung gabi na o umaga kaya nakakaapekto ito sa tulog ng isang tao.

Bawasan ang pag-inom ng alak lalo na bago matulog upang maiwasan o maalis ang mga negative na epekto nito. Maaaring kumonsulta sa isang neurologist o sleep specialists kung kinakailagan ng gamutan para maitama ang haba ng tulog ng isang taong umiinom ng alak.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed