Antimicrobial Resistance! Malaking Banta sa Kalusugan

4:14:00 PM


Antimicrobial Resistance! Malaking Banta sa Kalusugan.
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: World Health Organization

Ang antimicrobial resistance ay isa sa mga pinakamalaking banta sa kalusugan ng mga tao sa buong mundo. Bawat rehiyon at bansa sa buong mundo ay nakakaranas ng pagtaas ng kaso ng antimicrobial resistance. Hindi na kayang patayin ng mga first-line antibiotics ang mga karaniwang infections na nagkaroon na ng antimicrobial resistance kaya mahirap na itong gamutin.

Ang mga second- at third- choice antibiotics ay mas mahal, mas marami ang bad side effects, mas matagalan ang pag-inom at nangangailangan na mailagay ang pasyente sa intensive care units. Dahil na rin sa migration at pagbyahe ng tao, napakadaling maipasa ng resistant bacteria sa tao, hayop at mga pagkain.

Kailangan maging responsable tayo sa paggamit ng mga antibiotics. Huwag gumamit basta-basta ng antibiotics sa sakit tulad ng ubo at sipon o impeksyon. Hindi dahil inireseta ng doktor ang isang antibiotics sa isang sakit ay pwede na itong basta gamitin sa ibang sakit. Kailangan ay kumosulta sa doktor at inumin ng tama ang iniresetang antibiotics. Sundin kung gaano kadaming antibiotics ang dapat inumin at kung gaano ito katagal dapat inumin. Ang hindi responsableng paggamit ng antibiotic ay magdudulot ng antibiotics resistance sa mga bacteria. Kapag nangyari ito, mahihirapan nang gamutin ang bacteria at maaari itong mauwi sa pagkamatay kapag hindi naagapan.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed