Ano ang Gestational Diabetes?

8:21:00 AM



Ano ang Gestational Diabetes?
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical Student, UP College of Medicine)
Source: US National Institutes of Health

Ang gestational diabetes ay ang klase ng diabetes na mayroon ang mga buntis. Ang mga babaeng may gestational diabetes ay may normal na blood sugar kapag sila ay hindi buntis ngunit tumataas ang blood sugar tuwing nagbubuntis. Kadalasan ay nawawala ang high blood sugar pagkatapos manganak ng isang babae.

Ang mga risk factor sa pagkakaroon ng gestational diabetes ay pagiging overweight o obese, pagkakaroon ng kadugo at kapamilyang may diabetes, may polycystic ovary syndrome o health condition na nakakaapekto sa insulin, may insulin resistance o mayroong altapresyon, high cholesterol at sakit sa puso.

Para malaman kung ikaw ay may gestational diabetes, kailangan na kumonsulta sa inyong doktor upang makapagsagawa ng glucose screening test at oral glucose tolerance test. Magpapayo din ang doktor ng mga dapat kaining pagkain, mga pwedeng ehersisyo na pwedeng gawin at kung kailangan na ng gamutan ng insulin.

Mahalaga na makontrol ang gestational diabetes dahil maaaring makaapekto ito sa babaeng nagdadalang tao. at magdulot high blood pressure, preeclampsia, pregnancy loss. Maaaring maapektuhan ang sanggol at magkaroon ng low blood sugar pagkapanganak, preterm birth, jaundice, problema sa paghinga at kakulangan ng mineral sa dugo.

You Might Also Like

1 comments

  1. Each year, 11,000 People Saw Their Diabetes Mysteriously REVERSED, But Even Their Doctors Couldn’t Say Why

    Until a rogue diabetes researcher solved this decades-old medical mystery…

    Start using his natural, at-home treatment to reverse your Diabetes without medication.

    For more info please click on the following link: How To Heal Diabetes.

    Talk soon.

    ReplyDelete

Twitter Feed