Warning Signs na Mataas ang Asukal sa Iyong Dugo (Hyperglycemia)

6:59:00 AM



Ang hyperglycemia ay ang ang sobrang taas na lebel ng asukal sa dugo. Nagkakaroon ng sintomas ang isang tao kapag ang blood glucose ay umabot ng lampas 200 mg/dL o 11 mmol/L. Mabagal ang paglabas ng mga sintomas ng hyperglycemia at tumatagal ito ng ilang araw hanggang ilang linggo. Mas matagal na mataas ang iyong blood sugar, mas malala ang maaaring maging sintomas nito. May mga tao na matagal nang may type 2 diabetes ang kadalasan ay hindi nakakaranas ng sintomas kahit sobrang taas na ng kanilang asukal.

Early signs and symtoms. 
  1. Madalas umiihi
  2. Laging uhaw
  3. Nanlalabo ang panignin
  4. Laging pagod
  5. Nahihilo

Later signs and symptoms. 
Kapag hindi agad naitama ang hyperglycemia, maaari itong magresulta sa pagkakaron ng toxic acids (ketones) sa dugo at ihi. Ang sintomas ay 
  1. Amoy prutas ang ihi 
  2. Nahihilo at nasusuka
  3. Tuyong bibig
  4. Nahihirapan huminga
  5. Nanghihina
  6. Nalilito
  7. Coma 
  8. Sumasakit ang tiyan.

Humingi ng atensyong medikal o tulong mula sa doktor kapag nahihiran nang kumain at uminom at kapag laging mataas sa 249 mg/dL (13mmol/L) ang blood sugar at may ketones na sa ihi.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed