Paraan Upang Magkaroon ng "Healthy Breakup" sa Isang Relasyon

1:50:00 AM



Sa usaping break up, may mga tao na basta na ang hindi nagpapakita, lumalayo nalang o basta lang nagsasabi na "tapos na tayo" o "hindi na kita mahal". Minsan naman ay hindi masabi sa kasintahan na gusto nang makipaghiwalay, kaya gumagawa ng problema at mapag-aawayan o idinadaan sa kilos at gawa hanggang sa maramdaman ng kasintahan na hindi na siya mahal at gusto nang makipaghiwalay. Kung ganito ang iyong gagawin sa pakikipagbreak sa iyong kasintahan, lalo lang lalaki ang iyong problema.

Narito ang ilang paraan upang magkaroon ng "healthy breakup". Ang pagkakaroon ng healthy breakup ay makakatulong sa iyo at sa iyong minamahal upang madaling makamove-on.
  1. Alamin kung ano ang iyong motivation sa pakikipaghiwalay. Umupo at isipin itong mabuti. Kausapin ang iyong kaibigan o isang tao na pinagkakatiwalaan mo na makakapagbigay ng payo. Bago sabihin na gusto mo nang makipaghiwalay, dapat ay sigurado ka na gusto mo ito. 
  2. Sabihin sa iyong kasintahan ng maayos at may respeto na tapos na ang inyong relasyon. Sabihin ng mabuti na hindi na maayos ang inyong relasyon at mas makakabuti na maghiwalay na lamang. Hwuwag basta na lamang mawawala at hindi magpaparamdam. 
  3. Huwag munang magkaroon ng komunikasyon kahit panandalian lang. Hayaan ninyo ang inyong sarili na harapin ang breakup nang wala ang isa't isa. Kung gusto ninyong maging magkaibigan pa rin pagkatapos ng breakup, dapat ay klaro at malinaw ito sa inyong dalawa. 
  4. Ituon ang isip sa pag move on. Huwag nang balikan ang mga masasakit na nakaraan. Tama na ang pagluha at pagiging malungkot dahil sa break up. Sikapin na pagbutihin ang buhay at iimprove ang iyong sarili. Hindi nagtatapos ang iyong buhay sa pagtatapos ng iyong relasyon sa isang tao. Maraming nagmamahal sa iyo. Kahit iwan ka man ng iyong kasintahan, marami pa rin ang handang mahalin ka.
  5. Humingi ng tulong mula sa Panginoon. Idalangin ang iyong desisyon sa pakikipaghiwalay. Ipanalangin din ang mabilisang pagmove on ninyong dalawa mula sa inyong break up.
Mahirap makipaghiwalay sa iyong kasintahan ngunit maaari itong gawin nang maayos at may respeto sa isa't isa. Makakatulong ito sa inyong dalawa upang madaling makapagmove on sa buhay.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed