Mga Dapat Malaman Kapag Mayroon Kang Diabetes at Gusto Mong Magbuntis

6:55:00 AM



Mahalaga na kontrolado ang blood sugar level ng isang babaeng diabetic na may balak magbuntis. Narito ang mga bagay na dapat malaman tungkol sa pagbubuntis at diabetes at pagkakaroon ng malusog na sanggol.

Mahalaga na kumonsulta sa iyong endocrinologist o diabetes specialist at isang registered nutritionist-dietitian para makontrol ang inyong diabetes at malaman ang tamang pagkain na dapat kainin. Kailangan din kumosulta sa obstetrician upang mabantayan ang iyong kalusugan at ang iyong baby. Maaari ring kumonsulta sa ophthalmologist o eye specialist uapng maiwasan ang pagkasira ng mga ugat sa mata o pagkabulag dahil sa diabetes.

Kailangan na manatiling normal ang blood sugar ng isang babaeng buntis upang maiwasan ang komplikasyon. Ang pagkakaroon ng normal na blood sugar ay makakabawas ng risk na makunan at mamatay ang sanggol na dinadala, makakabawas din ito ng risk ng premature birth o preterm labor, makakaiwas din sa pagkakaron ng birth defects lalo na ng mga sakit na nakakasira sa utak, spine at puso, makakaiwas din sa pagkakaroon ng excess fetal growth, makakaiwas ang buntis sa high blood pressure, preecclampsia at iba pang komplikasyon ng diabetes

Mahalaga ang parte ng iyong mga doktor upang makontrol ang iyong blood sugar at mapanatili ang iyong kalusugan at ng iyong baby. Ngunit mahalaga din ang iyong lifestyle upang makasiguro na ikaw at ang iyong baby ay ligtas. Narito ang mga kailangang tandaan: laging icheck ang iyong blood sugar (3 beses kada araw) upang mapigilan ang pagkakaroon ng sobrang baba o sobrang taas na blood sugar. Inumin ang mga gamot tulad ng insulin kung ito ay sinabi ng iyong doktor. Kumain ng masusustansyang pagkain. Mahalaga na kumonsulta sa isang dietitian upang makasiguro na tama ang mga kinakain. Magkaroon ng regular na prenatal check-up.

You Might Also Like

1 comments

  1. Each year, 11,000 People Saw Their Diabetes Mysteriously REVERSED, But Even Their Doctors Couldn’t Say Why

    Until a rogue diabetes researcher solved this decades-old medical mystery…

    Start using his natural, at-home treatment to reverse your Diabetes without medication.

    For more info please click on the following link: How To Heal Diabetes.

    Talk soon.

    ReplyDelete

Twitter Feed