Mayroon ka bang "Sitting Disease"?

12:12:00 AM



Mayroon ka bang "sitting disease"? Ang pag-upo ng matagap at risk factor para sa sakit sa puso, diabetes at premature death.

Ilang oras kada araw ang ginugugol mo sa pag-upo? Sa iyong trabaho? Kapag sumasakay ng sasakyan? Kapag kumakain? O nanonood ng telebisyon? 50 to 70% ng tao ay nakaupo ng anim o mas marami pang oras kada araw. 20 to 35% ng tao ay umuubos ng apat o mas marami pang oras nanonood lang ng telebisyon.

Ayos sa pag-aaral ng National Health and Nutrition Examination Surveys, ang mga taong walang physical activity at palaging nakaupo ay mas mababa ang life expectancy o mas maagang namamatay. Ang pagbabawas ng oras ng pag-upo at walang ginagawa at naakatulong na pahabain ang life expectancy ng isang tao. Ang pag-upo ng matagal na oras ay isang risk factor sa pagkakaroon ng type 2 diabetes, sakit sa puso at cancer sa suso at colon.

Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong na pataasin ang insulin sensitivity ng katawan, nababawasan ang taba at cholesterol, inflammation at hormonal imbalances sa ating katawan.

Paano malalabanan ang "sitting disease"? 
1. Tumayo ng mas matagal. Kapag matagal na nakaupo, tumayo kada oras. Huwag umupo ng sobrang tagal.
2. Iwasan ang paglalaro ng mga video games at pag-iinternet. Maglaro ng mga laro na ikaw ay pagpapawisan o makakapag-ehersisyo. 
3. Maglakad kapag walang ginagawa.
4. Bumili ng pedometer (binibilang nito ang iyong mga hakbang na nagawa) at sikapin na pataasin ang mga hakbang na nagagawa sa loob ng isang araw. 
5. Gamitin ang mga hagdanan upang makapag-ehersisyo at huwag laging mag escalator o elevator.

Napakasimple lamang ng solusyon ngunit napakalaki ng magiging epekto at benepisyo nito sa ating kalusugan. Bukod sa mapapahaba nito ang iyong buhay, mababawasan pa nito ang iyong timbang at taba at makakatulong ito upang maiwasan ang stress dahil sa happy hormones na inilalabas ng katawan pagkatapos mag-ehersisyo.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed