Limang Bagay na Dapat Iwasan Para Makaiwas sa Sakit sa Puso

10:05:00 PM



Limang Bagay na Dapat Iwasan Para Makaiwas sa Sakit sa Puso
by Ourlad Alzeus G. Tantengco (Medical student, UP College of Medicine)
Source: Cleveland Clinic

  1. Iwasan ang mataas na cholesterol. Ang sobrang taas na LDL cholesterol ay maaaring magdulot ng plaques sa iyong ugat na maaaring magpababa ng dami ng dugong nakakadaan sa ugat. Kapag kumapal ang plaques ng taba sa ugat, maaaring mawalan ng sapat ng oxygen supply ang puso at utak na maaaring mauwi sa stroke. Iwasan angpagkain ng matataba at pritong pagkain para bumaba ang cholesterol. Kumain ng isda at poultry at iwasan ang red meat. Kumain ng low-fat o non-fat na pagkain at mga fiber-rich na pagkain.
  2. Kontrolin ang Diabetes. Kung mayroon kang mataas na blood glucose level, iwasan ang sobrang tamis na pagkain at bantayan ang iyong timbang. Ang pagkain ng mabuti at pagkakaroon ng normal na timbang ay makakatulong na mapigilan o makontrol ang diabetes.
  3. Iwasan ang mataas na blood pressure. Maaaring kontrolin ang blood pressure sa pamamagitan ng pagkain ng tama. Iwasan ang sobrang alat at matatabang pagkain. Mag-ehersisyo upang bumaba ang timbang. Kung mayroong iniinom na maintenance drugs para sa altapresyon, siguruhin na lagi itong naiinom.
  4. Magkaroon ng tamang timbang. Kung ikaw ay overweight o obese (BMI na higit sa 30), oras na para bawasan ang iyong pagkain at magkaroon ng regular na ehersisyo. Maaaring humingi ng tulong sa iyong doktor o dietitian para sa tamang pagkain. Mas mataas ang kaso ng sakit sa puso sa mga obese.
  5. Paninigarilyo. Habang tumatagal ang iyong paninigarilyo, mas tumataas din ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso. Ngunit hindi pa huli para itigil ang paninigarilyo. Makikita mo agad ang benepisyo ng hindi paninigarilyo. Maaring kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang pinaka-angkop na paraan ng pagtitigil ng paningarilyo.

Malaking tulong kung maiaalis ang lahat ng mga risk factors na nabanggit. Ngunit kahit paisa-isa lang muna ay malaki na ang matutulong upang maprotektahan ang kalusugan ng iyong puso.

Hindi mo ito kailangang gawin mag-isa. Maaaring humingi ng tulong sa iyong doktor.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed