Iwasan ang Pagkabulag dahil sa Diabetes

6:57:00 AM



Ang pagkakaroon ng high blood sugar dahil sa diabetes ay maaaring makasira sa retina ng ating mata o diabetic retinopathy. Ang mga kondisyon tulad ng high blood pressure, pregnancy, sakit sa bato, mataas na cholesterol at paninigarilyo ay mga risk factor sa pagkakaroon ng diabetic retinopathy.

Ang sobrang taas na asukal sa dugo ay maaaring makasira sa mga ugat ng mata at maaari itong magdulot ng pagkabulag. Ang mga diabetic ay may mataas din na posibilidad na magkaroon ng iba pang sakit sa mata tulad ng katarata at glaucoma. Ang glaucoma ay ang pagkakaroon ng mataas na pressure sa mata na nakakasira din ng retina. Ang katarata ay ang panlalabo ng lente ng mata na nagdudulot ng problema sa pagfocus ng liwanag sa retina.


Para makaiwas sa diabetic retinopathy o pagkabulag dahil sa diabetes, kontrolin ang inyong blood sugar. Kumonsulta sa inyong doktor kung laging mataas ang blood sugar upang malapatan ng tamang gamot/maintenance. Kontrolin din ang blood pressure. Delikado kung lagi itong mataas (140/90 o higit pa). Magkaroon ng regular ng eye exam upang malaman kung nagkakaroon na ng komplikasyon sa iyong mata.

Prevention is better than cure. Huwag nang hintayin na ikaw ay mabulag bago mo pa pangalagaan ang iyong kalusugan. Kumonsulta sa internist/diabetologist/endocrinologist para sa problema sa diabetes at ophthalmologist para sa mga problema sa mata.

You Might Also Like

1 comments

  1. Each year, 11,000 People Saw Their Diabetes Mysteriously REVERSED, But Even Their Doctors Couldn’t Say Why

    Until a rogue diabetes researcher solved this decades-old medical mystery…

    Start using his natural, at-home treatment to reverse your Diabetes without medication.

    For more info please click on the following link: How To Heal Diabetes.

    Talk soon.

    ReplyDelete

Twitter Feed