Iwasan ang mga Pagkaing May Trans Fat!

7:47:00 PM



Ang trans fat ay ginagamit ng mga kompanya upang sumarap at pahabain ang buhay ng mga pagkain para hindi ito agad mapanis.

Ngunit ang trans fat ay may masamang epekto sa katawan. Ito ay nakakapagpababa ng good cholesterol at nakakapagpataas ng bad cholesterol sa ating katawan. Para maiwasan ang mga pagkaing may trans fat, tingnan ang product label ng mga pagkain kung mayroon itong trans fat o "partially hydrogenated" na label. Ibig sabihin nito ay may trans fat ang pagkain. Ang pagkain na may maraming trans fat ay magdudulot ng coronary heart disease o sakit sa puso at stroke.

Ilan sa mga pagkaing may trans fat ay frozen pizza, fried fast food, dougnuts, candies, microwave popcorn, crackers, margarine, microwavable sandwiches, biscuits, cookies at cakes. Maaaring iwasan o bawasan ang pagkain ng mga ito upang mabawasan ang pagkain ng trans fat at maiwasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Kumain na lamang ng maraming prutas, gulay, whole grains, low-fat dairy products, poultry, isda at mani. Limitahan ang pagkain ng red meat at matatamis na pagkain at inumin.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed