Epekto ng Sobrang Panonood ng TV, Paglalaro ng Cellphone at Computer sa Kalusugan at Ugali ng mga Bata

3:43:00 AM



Ikaw ba bilang isang magulang ay nababahala dahil sa dami ng oras na ginugugol ng iyong anak sa panonood ng TV, paglalaro ng smartphones, computer at video games? Bagamat may natutunan ang mga bata sa panonood ng TV o paggamit ng internet, mas madaling naaadik ang mga bata dito. May epekto ang sobrang tagal na pagtutok sa mga gadgets tulad ng TV at cellphone kalusugan ng mga bata

Epekto ng Sobrang Tagal na Screen Time sa Kalusugan ng Bata.
Ayon sa American Academy of Pediatrics, hindi maganda na exposed ang mga batang edad 2 pababa sa mga gadgets. Ang mga bata naman ay dapat may isa o dalawang oras lang na nakatutok sa screen ng TV at cellphone kada araw. Ang sobrang tagal na pagtutok dito ay maaaring magresulta sa:
  1. Obesity. Mas madaling maging overweight at obese ang mga batang laging naonood lang ng TV. Marami ring bata ang kain ng kain ng junk food habang nanonood ng TV. At hindi na rin sila nakakapagehersisyo.
  2. Irregular sleep. Maraming bata ang nahihirapan matulog dahil sa sobrang tagal na nakatutok sa TV, computer at cellphone. 
  3. Behavioral problems. Ang mga batang lagi lang nanonood ng TV ay mas madalas na nagkakaroon ng emotional, social at attention problems. 
  4. Bumababa ang performance sa paaralan. Ang mga batang laging nanood ng TV ay madalas nakakakuha ng mababang grades dahil hindi na nakakapag-aral kakapanood ng TV. 
  5. Nagiging bayolente at mapang-away. Ang mga batang nakakapanood ng kasamaan, violence at pakikipag-away sa TV ay maaaring isipin na normal lang ang pakikipag-away. Kailangan ng gabay ng mga magulang sa lahat ng pinapanood ng mga bata. 
  6. Kulang ng oras sa paglalaro at pag-eehersisyo.

Paano Matutulungan ang mga Bata na Mabawasan ang Panonood ng TV at Paglalaro ng Cellphone at Computer. 
  1. Patayin ang TV kapag hindi nanonood. Kapag laging nakabukas ang TV ay nagiging distraction ito sa mga bata. 
  2. Huwag ilagay ang TV at computer sa kwarto ng mga bata. Siguraduhin din na laging binabantayan ang mga pinapanood at websites na pinupuntahan ng mga bata sa internet. 
  3. Huwag kumain sa harap ng TV. Ang pagkain sa harap ng TV ay nakakapagpatagal ng screen timeng mga bata. 
  4. Magkaroon ng school day rules sa panonood ng TV. Dapat ay may limitasyon sa panonood ng TV kapag may pasok sa paaralan. Magandang tapusin muna ang mga gawain sa paaralan bago manood ng TV. 
  5. Bigyan ng ibang activities o pagkakaabalahan ang mga bata kaysa sa panonood ng TV. Maaaring hikayatin itong magbasa, maglaro ng sport o tumulong sa pagluluto o gawaing bahay. 
  6. Maging role model sa inyong mga anak. Huwag din manood ng sobrang tagal upang maging mabuting halimbawa sa mga bata.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed