Caffeine Content ng Kape, Tsaa, Soda ATBP

11:04:00 PM



Tingnan kung sobra-sobrang caffeine na ang naiinom mo araw-araw.

Ang caffeine ay parte na ng araw-araw na buhay ng karamihan sa atin. Pero alam mo ba kung gaano karaming caffeine ang laman ng iyong iniinom?

Kung palagi kang nahihilo, hindi mapalagay at laging kinakbahan, dapat ay alamin mo kung gaano karaming caffeine ang nilalaman ng iyong iniinom. Kung ang caffeine sa iyong iniinom ay higit sa 500 milligrams kada araw, kailangan mo itong bawasan.

Kung hanggang 400mg lang ng caffeine ang iniinom araw-araw ay ligtas pa ito. Ang 400mg ng caffeine ay halos apat na basong kape, 10 soda in cans o dalawang bote ng energy drinks. Kapag sobra sa 500mg ng caffeine ang nainom sa isang araw, maaaring makaranas n insomnia, anxiety, hindi mapalagay, madaling mairita, mabilis na tibok ng puso at muscle tremors.

Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang mga adolescents ay hindi dapat sumobra sa 100mg kada araw ang naiinom na caffeinated drinks. Ang mga bata naman ay hindi dapat umiinom ng caffeinated drinks araw-araw. Narito ang charts kung saan makikita ninyo ang caffeine content ng mga popular na inumin, sweets at gamot. Ang mga caffeine content dito ay maaring magbago depende sa roasting, grinding at brewing time. Ito ay isa lamang gabay kung ano ang average caffeine content ng mga inuming nabanggit.

Caffeine Content ng mga Paborito Ninyong Kape
Brewed Coffee (237 mL) - 95-200mg caffeine
Brewed Coffee, decaffeinated (237mL) - 2-12mg caffeine
Espresso, restaurant style (30mL) - 47-75mg caffeine
Espresso, restaurant-style, decaffeinated (30mL) - 0-15mg caffeineInstant coffee (237 mL) - 27-173mg
Instant coffee, decaffeinated (237mL) - 2-12mg caffeine
Specialty drink (latte at mocha) (237mL) - 63-175mg caffeine

Caffeine Content ng mga Paborito Ninyong Tsaa
Black tea (237mL) 14-70mg caffeine
Black tea, decaffeinated (237mL) 0-12mg caffeine
Green tea (237mL) 24-45mg caffeine
Iced tea, powdered (237mL) 11-47mg caffeine
Ready-to-drink, bottled Icead tea (237mL) 5-40mg

Caffeine Content ng mga Paborito Ninyong Softdrinks
Root beer (355mL) 16-18mg caffeine
Coca-Cola (355mL) 23-35mg caffeine
Diet Coke (355mL) 23-47mg caffeine
Diet Pepsi (355mL) 27-37 caffeine
Mountain Dew (355mL) 42-55mg
7UP (355mL) 0mg caffeine
Pepsi (355mL) 32-39mg caffeine

Caffeine Content ng Iba Pang Produkto
Reb Bull (248mL) 75-80mg caffeine
Chocolate chips (1 cup or 168g) 104mg caffeine
Dark chocolate-coated coffee beans (28 piraso) 336mg caffeine
Energy mints 47-100mg caffeine

You Might Also Like

9 comments

  1. Doc Tanong ko lang Po nanganak Po Ako may 29 nagkaroon Po Ako October 29 Hanggang November 4 .yon Na Po last means ko Hanggang ngayon Wala Po akong meanstration . Pero nag papa Dede Po Ako sa baby ko. That time Na mag talik kame ng husband ko control nman Po kame . Maari Po bang buntis ako ?

    ReplyDelete
  2. Doc nag pa inject po ako. Yung injectable na 3 months . Okay lang po ba na may nangyari samin kaht wala pang 1 week ang nakakalipas matapos ako mag pa inject?

    ReplyDelete
  3. Doc paano po un. Nakipagsex po ako ng lunes tapos po wala pong kahit anong ginamit na birthcontrol maliban lang po sa widrawal. Tapos wednesday na po ako nakainum ng pills. Kaya lang po ang ginawa ko dalawa po ung ininum. First time ko pong magpills. Tangahle po ung unang pills at gabi naman po ung kasunod. Maari po ba akong mabuntis nun?

    ReplyDelete
  4. Doc tanong ko lang po nagtake po ako pills nagtataka po ako kahit naubos na po ang pills ko hinde po ako niregla impossible po bang buntis ako?

    ReplyDelete
  5. Helo po doc.. Tanong ko lng po Paanu po ba tamang pag inom ng pills? Kasi po irregular po Ung regla ko..tapos pauwi na po Ako ngayong October sa pinas.. Anu po ba dapat kung gawin?

    ReplyDelete
  6. Hi doc ok lang bang gumamit ng pills kahit na wala ng gallblader? Please advice

    ReplyDelete
  7. doc ask ko lng po sana bkit po ako may inilalabas na dark brown sa panty ko for 4 days na po ngaun.first time ko plang po uminum ng micropill ..6 tabs nlang po iinumin ko pra matapos ko ung 21tabs.salamat po..nais ko lng po malaman kubg safe pa ba ito?

    ReplyDelete
  8. doc ask ko lng po sana bkit po ako may inilalabas na dark brown sa panty ko for 4 days na po ngaun.first time ko plang po uminum ng micropill ..6 tabs nlang po iinumin ko pra matapos ko ung 21tabs.salamat po..nais ko lng po malaman kubg safe pa ba ito?

    ReplyDelete
  9. Hello doc,

    I have question po. I uses diane pill after my menstrual cycle. I take 3 pills and have contact to my partner until i finished my 1pack diane. I have a big prob now coz its been 6 days now since i finished the 1st ock and I didnt have my periods. Is it possible I am pregnant?

    ReplyDelete

Twitter Feed