6 na Dahilan Kung Bakit Hindi Dapat Manigarilyo ang Mga Buntis

3:02:00 PM



Alam ng karamihan na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng cancer at sakit sa puso. Ngunit ang paninigarilyo habang nagbubuntis ay nagdudulot ng malaking problema sa kalusugan ng ina at ng sanggol na kanyang dinadala. Maaari itong magdulot ng premature birth o maagang paglabas ng sanggol, pagkakaroon ng birth defect o pagkamatay ng sanggol.

1. Para sa mga babaeng nagbabalak magbuntis, mas mahirap magbuntis ang mga babaeng naninigarilyo. Ang nicotine mula sa sigarilyo ay nagdudulot ng contraction sa fallopian trube na pumipigil ng pagdaan ng embryo patungo sa bahay-bata. Nagreresulta ito sa ectopic pregnancy na maaaring ikamatay ng babaeng buntis.
2. Ang mga babaeng naninigarilyo habang buntis ay may mas mataas na posibilidad na makunan o malaglag ang sanggol na dinadala. 
3. Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng problema sa placenta (ito ang nagbibigay ng pagkain at oygen sa sanggol habang nasa sinapupunan pa ang sanggol). Ang paninigarilyo ay maaaring magresulta sa paghiwalay ng placenta sa bahay-bata na maaaring magdulot ng pagdudugo na delikado sa babae at sa sanggol. 
4. Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng premature birth o pagkakaroon ng sanggol na mababa ang timbang. Ang mga sanggol na mababa ang timbang ay mas sakitin at mas matagal ang inilalagi sa hospital. May ilang sanggol na namamatay dahil sa sobrang baba ng timbang. 
5. Ang paninigailyo ay isang risk factor ng sudden infant death syndrome o ang biglaang pagkamatay ng sanggol. 
6. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng mas mataas na kaso ng bingot at iba pang birth defects sa mga sanggol.

Ano ang Benepisyo sa Ina at Sanggol Kapag Hindi Naninigarilyo? Kapag huminto sa paninigarilyo ang isang buntis, makakakakuha ng mas maraming oxygen ang sanggol. Bababa ang risk ng premature birth, bababa ang posibilidad ng heart disease, stroke, lung cancer, chronic lung disease at iba pang sakit sa ina, magkakaroon ng sigla at lakas ang ina at magiging panatag at masaya ang magulang dahil lalabas ang sanggol na normal dahil hindi ito naapektuhan ng mga lason na nasa sigarilyo at tabako.

You Might Also Like

2 comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Nang Isang araw po Naka ranas po ako sakit ng ulo mula Noo hanggang likod tapos Sumasakit po yung leeg ko tapos po shinake ko yung ulo ko ang bigat po at parang may naalog nung tumayo din po ako naka ranas ako ng hilo at parang masusuka na di mailabas at kahit malayo konti po blurred napo paningin ko madalas po nangyayare sakit ng ulo ko. Tska po pla pinag pawisan po ako ng malamig

    ReplyDelete

Twitter Feed