10 Tips Upang Bumaba ang Blood Pressure

10:40:00 PM



Narito ang sampung tips kung paano mapapababa ang blood pressure. Ito ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso at sakit sa bato. Ang lifestyle ay importanteng bahagi ng pagpapababa ng blood pressure.

1. Magbawas ng timbang at laging sukatin ang iyong waistline. Tumataas ang blood pressure habang tumataas ang timbang ng isang tao. Ang pagiging overweight ay nagdudulot ng problema sa paghinga habang natutulog (sleep apnea) na nakakapagpataas ng BP. Ang pagbabawas ng timbang ay makakatulong upang bumaba ang blood pressure. Bantayan din ang waistline, ang mga lalaki na may waistline na 40 inches and above at mga babae na may 35 inches and above ay may mas mataas na risk ng pagkakaroon ng altapresyon.

2. Mag-ehersisyo ng regular. Magkaroon ng physical activity at least 30 minuto sa isang araw. Ito ay makakatulong na pababain ang blood pressure. Nakakatulong ang ehersisyo na pababain ang blood pressure ng 4 hanggang 9 mmHg. Ang pinakamagandang ehersisyo para bumaba ang BP ay paglalakad, jogging, pagbibisikleta, paglangoy at pagsayaw. Kumonsulta sa inyong doktor para malaman ang mga ehersisyo na pwede sa inyo.

3. Kumain ng masusustansyang pagkain. Kumain ng whole grains, prutas, gulay at low-fat dairy products. Iwsan ang mga pagkain na mataas sa saturated fats at cholesterol. Makakatulong itong pababain ang BP ninyo ng hanggang 14mmHG. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa potassium tulad ng prutas at gulay.

4. Bawasan ang sodium sa iyong kinakain. Ang mga maaalat na pagkain ay mataas sa sodium at nakakapagpataas ito ng BP. Limitahan ang sodium na kinakain sa 2300mg o mas kaunti pa. Para bawasan ang sodium intake, basahin ang food labels at pumili ng pagkian na mababa sa sodium. Iwasan ang pagkain ng mga processed food dahil mataas ang sodium content nito. Bawasan ang paggamit ng asin.

5. Limitahan ang pag-inom ng alak. Ang kaunting alak ay nakakatulong na pababain ang blood pressure. Ngunit kung sobrang daming alak na ng iniinom ay makakapagpataas na ito ng blood pressure. Para sa mga lalake edad 65 pababa, isa o dalawang baso lamang ng alak ang pwede sa isang araw. Para naman sa babaeng edad 65 pababa, isang baso lang ng alak kada araw. Ang labis na pag-inom ng alak ay makakapagpababa ng bisa at epekto ng gamot para sa blood pressure.

6. Iwasan ang paninigarilyo.Tumigil sa paninigarilyo. Mabilis na nakakapagpataas ng blood pressure ang paninigarilyo. Ang pagtigil sa paninigarilyo ay makakatulong upang bumababa ang blood pressure.

7. Bawasan ang pag-inom ng kape at mga inumin na may caffeine. May mga pag-aaral na nagpakitang nakakapagpataas ng blood pressure ang pag-inom ng kape.

8. Iwasan ang stress. Ang pagkakaroon ng chronic stress ay nagreresulta sa pagkain ng unhealthy food, pag-inom ng alak at paninigarilyo. Ang mga ito ay nakakapagpataas ng blood pressure. May ginawa akong article tungkol sa mga relaxation techniques para labanan ang stress:https://www.facebook.com/doktordoktorlads/photos/pb.1045217422166540.-2207520000.1457238049./1081387781882837/?type=3&theater.

9. Imonitor ang iyong blood pressure araw-araw at laging magpacheck-up sa iyong doktor. Kausapin ang inyong doktor kung paano ninyo imo-monitor ang blood pressure araw-araw. May mga nabibili nang mga digital BP monitor upang malaman ang iyong blood pressure. Makakatulong ito upang malaman kung epektibo ang iyong gamot sa pagpapababa ng iyong blood pressure. Lagi ding bumisita sa inyong doktor lalo na kung mayroon kang altapresyon.

10. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya at mga kaibigan. Makakatulong ang iyong mga mahal sa buhay upang mahikayat ka na laging maging malusog. Sila din ang magpapaalala sa iyo na inumin ang iyong gamot upang maiwasan ang altapresyon.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed