Pre-Pregnancy Checklist: Mga Paghahanda Bago Magbuntis

12:54:00 AM



Narito ang ilang mga bagay na maaaring gawin upang mapaghandaan ang iyong pagbubuntis at upang lumaking malusog ang sanggol sa iyong sinapupunan. Paghandaang mabuti ang iyong pagbubuntis.

1. Magkaroon ng regular na konsultasyon sa inyong doktor (OB-Gyne). Mainam na magkaroon ng prenatal check ups lalo na kung mayroon kang sakit na maaaring makaapekto sa iyong pagbubuntis. Sabihin din sa doktor kung merong sakit sa inyong pamilya tulad ng cystic fibrosis, sickle cell anemia o mga genetic disorders.
2. Tingnan ang iyong gilagid. Ang pagkakaroon ng good oral health ay may kaugnayan sa malusog na pagbubuntis. Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng sakit sa gilagid ay kaugnay sa pagkakaroon ng anak na mababa ang timbang at maagang naipanganak.
3.Tumigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Masama ito sa sanggol at maaaring magdulot ng sakit sa sanggol. Sa mga nagbabalak magbuntis, mas mahirap magbuntis ang isang babaeng naninigarilyo at umiinom ng alak at pinapataas nito ang risk na makunan o malaglag ang sanggol na dinadala.
4. Bawasan ang pag-inom ng kape. Ang pag-inom ng dalawang baso ng kape o limang baso ng softdrinks ay makakaapekto sa pagbubuntis at maaaring maging risk factor sa miscarriage.
5. Kumain ng masusustansyang pagkain. Iwasan na nag pagkain ng mga junk food na puno ng mga empty calories. Kumain ng prutas, gulay, whole grains at lean protein araw-araw. Ayon sa pananaliksik, ang pagkain ng tama bago magbuntis ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes habang nagbubuntis o gestational diabetes.
6. Magbawas ng kaunting tumbang. Ang pagiging overweight o obese ay maaaring magdulot ng problema sa iyong pagbubuntis tulad ng gestational diabetes o preeclampsia (pagkakaroon ng high blood pressure habang nagbubuntis). Hindi magandang magbawas ng timbang kapag ikaw ay buntis na kaya bago pa magbuntis ay magbawas na ng timbang.
7. Magpabakuna. May mga sakit na kapag nakuha habang nagbubuntis ay maaaring makaapekto sa sanggol sa sinapupunan. Kumonsulta sa inyong doktor upang malaman kung may mga bakunang kailangan.
8. Sabihin sa inyong doktor ang lahat ng mga gamot na iyong iniinom. Lahat ng mga prescription drugs, over-the-counter drugs, vitamins, herbs at supplements. May ilang gamot na makakaapekto sa sanggol. Mayroon ding mga prenatal vitamins o folic acid supplement para maiwasana ng birth defects sa mga sanggol.
9. Iwasan ang mga seafood na may mataas na level ng mercury. May ilang isda na mataas ang mercury tulad ng swordfish, tilefish (Matang Dagat), king mackerel at pating. Matagal bago mawala sa katawan ang mercury kaya limitahan sa dalawang isda kada linggo ang pagkain kung nais magbuntis.
10. Mag-ehersisyo upang bumaba ang timbang bago magbuntis. Kapag malapit ng manganak may mga special prenatal classes sa mga gym na ligtas para sa mga buntis.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed