Paano Makakaiwas sa Katarata?

12:11:00 AM



Ano ang Sanhi ng Katarata?
Ang katarata ay clouding o panlalabo ng lente ng mata na maaaring makasira ng paningin. Ang katarata ay resulta ng naiipong mga protina sa lente ng mata na nagdudulot ng panlalabo nito. Pinipigilan nito ang pagpasok ng liwanag sa mga lente kaya nagkakaroon ng panlalabo ng paningin. Dahil ang bagong cells sa ating mata ay nabubuo sa labas ng lente nito, naiipon lamang ang mga lumang cells sa ilalim ng lente na nagdudulot ng katarata.

May iba't ibang klase ng katarata.
  1. Age-related cataracts ay resulta ng katandaan. Habang tumatanda ay kumakapal at lumalabo ang lente ng mata. Nagkakaroon din ng pagkasira sa tissues ng lente ng mata.
  2. Ang congenital cataracts ay nakikita sa mga sanggol na ipinanganak na may katarata. Ito ay resulta ng impeksyon, injury o poor development noong sila ay nasa sinapupunan pa. 
  3. Ang secondary cataract ay resulta ng diabetis, pag-inom ng ilang mga gamot tulad ng corticosteroids o diuretics, ultraviolet lights at radiation.
  4. Ang traumatic cataracts ay resulta ng injury sa mata.

Ano ang Sintomas ng Katarata?
  1. Mabagal na proseso ang pagkakaroon ng katarata at kaunti lamang ang sintomas nito. 
  2. Nanlalabo ang paningin na parang may hamog o ulap sa paligid. 
  3. Nagiging nearsighted o nakakakitang mabuti sa malapitan ngunit hindi makitang mabuti ang mga malalayong bagay. 
  4. Nag-iiba ang paningin sa mga kulay. 
  5. Nahihirapang magmaneho sa gabi at nakakakita ng glare sa mga headlights ng sasakyan. 
  6. Double vision. 
  7. Biglang nag-iiba ang grado ng mata.
  8. Nagiging masyadong sensitibo sa liwanag.

Risk Factors ng Pagkakaroon ng Katarata.
  1. Katandaan. 
  2. Pagkakaroon ng Diabetis.
  3. Pag-inom ng labis na alak.
  4. Labis na exposure sa araw. 
  5. Exposure sa ionizing radiation tulad ng X-ray at cancer radiation therapy. 
  6. Pagkakaroon ng katarata sa pamilya. 
  7. High blood pressure. Katabaan. 
  8. Injury o pamamaga ng mata. 
  9. Matagalang paggamit ng corticosteroids.
  10. Paninigarilyo.

Paano Maiiwasan ang Katarata?
Iwasan ang mga risk factors na nabanggit sa itaas. Palaging magsuot ng sunglasses upang hindi masyadong ma-expose ang mata sa liwanag ng araw. Magkaroon ng tamang timbang at kumain ng maraming prutas at gulay. Magkaroon ng regular na konsultasyon sa inyong mga ophthalmologist upang malaman ng maaga kung nagkakaroon na ng katarata.Kailangan ang regular eye check up lalo na para sa mga 50 taong gulang pataas, may diabetis at family history ng katarata.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed